Oyo Boy Sotto May Hirit Pa Umanong Isang Baby Matapos Malaman Na Lalaki Ang Ipinagbubuntis Ni Kristine Hermosa

Noon ngang nakaraang taon ay naibahagi ng celebrity couple na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na muling madaragdagan ang miyembro ng kanilang pamilya. Ito nga ay matapos nilang ibahagi sa kani-kanilang social media account ang bagong biyaya ngang ito na darating sa kanilang mag-asawa.




Buwan ng Disyembre 2020 ng ibandera nina Oyo Sotto at Tintin Hermosa na magkakaroon na nga sila ng kanilang ika-limang anak. “Nag-POSITIVE!!! Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! “Salamat Lord Jesus! Napaka-faithful mo kahit kailan. God is truly amazing.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Ibang klase ang mga sorpresa mo. Best Christmas gift ever,” pahayag ni Oyo
Sa Instagram nanan ng misis niyang si Kristine, ay makikita rin ang naging pagbabahagi nito ng masayang balita.

“Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. Thank you Lord for sustaining us this entire year, pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God.”

Photo Credit: khsotto/Instagram

Samantala, sa panibagong blessing nga na ito sa pamilya nina Oyo at Tintin, ay naging kahilingan nilang mag-asawa, lalo na ng kanilang unica hija na sana ay maging baby girl na ang panibagong baby na darating sa kanilang pamilya.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Ngunit tila nga hindi pa din dinidinig ng Diyos ang hiling ng mag-asawa at ng kanilang nag-iisang anak na babae, dahil nito nga lamang nakaraan ay masaya nilang ibinahagi sa publiko na ang kanilang ika-limang anak ay isa muling baby boy.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Unang nagkumpirma na baby boy ang kanilang magiging baby muli ay si Oyo Boy. Kasunod nito ay ang naging pagbabahagi naman ni Kristine Hermosa sa kanyang Instagram ng sonograp photo ng kanilang baby,

Photo Credit: khsotto/Instagram

kung saan nga ay sinabi ng ngayon ay hindi na masyadong aktibong aktres na super thankful at grateful siya sa pagkakaroon muli ng isang healthy at normal na baby boy.
“Hindi pa man nasasagot ang baby girl na dasal ni Dre, madami pa din nasagot si God sa mga dasal namin at kahit pa ‘yung mga bagay na hindi namin ipinagdasal.

Photo Credit: khsotto/Instagram

“He always has His reasons and His perfect time. Napakabuti mo, Lord,” sabi pa niya sa caption. Aminado naman ang celebrity couple na ang hinihiling nga na kapatid ng kanilang nga anak, lalo na ng kanilanv only girl na si Ondrea Bilss o Dre, ay ang magkaroon muli sila ng kapatid na babae.

Photo Credit: khsotto/Instagram

Nagbigay mensahe naman si Tintin para sa kanyang anak na si Dre, kung saan ay sinabi nga niya patuloy lamang itong magdasal, dahil darating din ang araw na ibibigay ni Lord sa kanya ang kanyang kahilingan.

“So Dre, continue praying and believing that one day God will answer your prayer…
“Pero kung hindi man mapagbigyan, I’m sure God will give you all that you need to embrace being the only baby girl in the family,” sabi pa ng misis ni Oyo.

Tila may hirit naman ang mister ni Tintin na si Oyo, ngayon na isa na naman ngang baby boy ang kanilang magiging anak. “So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito?” ani Oyo sa kanyang social media post.




Ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa, ay mayroon naunang apat na anak, ito ay ang unica hija nilang si Ondrea, at ang tatlong anak nila na lalaki na sina Kristian Daniel, Marvic Valentin Sotto II at Kaleb Hanns.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *