Oyo Sotto Sinagot Na Ang Isyu Tungkol Sa Napapabalitang Anak Ni Kristine Hermosa Sa Ibang Lalaki

Isang malaking paraan ang social media upang magpahayag ng iyong sentimento at mga ideya. Dahil dito, nabigyan tayo ng pagkakataon upang magkaroon ng komunikasyon at balita tungkol sa aking mga kaibigan at mga pamilya, katulad ng mga mahahalagang pangyayari sa kanilang mga buhay at iba pa.




Maliban pa dito, nagkaroon rin tayo ng pagkakataon upang masubaybayan ang ating mga paboritong artista sa likod ng camera at makita ang kanilang normal na buhay pag wala sila sa telebisyon. Ngunit, minsan kailangan din natin maging maingat sa pagbabahagi ng ating mga sinasabi upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan na maaaring makita ng publiko.

Katulad na lang ng netizen na ito na napagkamalang si Kiel ay anak ni Kristine Hermosa sa ibang lalaki. Sa katunayan ay binati pa ng netizen si Oyo Boy dahil tinggap diumano ni Oyo si Kiel sa pag-aakalang ang panganay nilang anak ay anak ni Kristine sa kanyang dating karelasyon.

Sa isang post ni Oyo sa Instagram, binati ni Oyo Boy ang kanyang mga anak na sina Kiel at Ondrea kasama ang litrato kung saan nakasakay ang dalawa sa isang motorsiklo na may suot na mga protective garments na may caption na. “Congratulations to the both of you, Kiel and Ondrea! so proud of you! Thank you Lord for keeping them safe.”

Isang netizen sa na may Instagram username na @probinsyanonghilaw ang nagcomment sa Instagram post ni Oyo Boy at sinabing natuwa siya dahil tinuring ni Oyo si Kiel bilang sarili niyang anak. Inakala ng netizen na ito na anak ni Kristine Hermosa si Kiel sa ibang lalaki.

“So proud of you @osotto kahit na anak si Kiel sa ibang lalaki ni Kristine, tinuring mo pa rin siyang own flesh and blood mo. Bihira sa ibang lalaki ganito” Ngunit mabilis namang itinanggi ni Oyo na anak ni Kristine si Kiel sa ibang lalaki.

Maayos niyang klinaro na ang kanilang panganay na si Kiel ay inampon nila na may kasamang smiling emoticon. Si Kristian Daniel Sotto o kilala bilang Kiel ay ang panganay na anak ng magkasintahan sina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Bagama’t ampon lang si Kiel, tunay na anal at kadugo naman kung ituring ng buong pamilya ang bata.

Isang artikulo ng GMA Network ang nagsasabing nagampon sina Kristine at Oyo bago pa man ikasal ang dalawa noong Enero 12 ng taong 2011. Ayon sa TNP Media, nagdiwang ng ika-10 kaarawan si Kiel noong Agosto 17 nitong taon. Sinabi naman ng mag asawang Kristine at Oyo kung gaano kalaki ang kanilang pasasalamat sa Maykapal dahil biniyayaan sila ng anak na katulad ni Kiel.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *