Paglipad Ni Jane De Leon Bilang Darna Nakasalalay Umano Sa Ang Probinsyano

Tila nga matatagalan pa ang magiging paglipad ni Jane De Leon bilang “Darna”, ito ay ay dahil sa walang makuhang direktor kaya hindi pa umano nasisimulan ang shooting ng ‘Darna’ Tv series ng ABS-CBN.




Ayon nga sa naging ulat, si Direk Jerrold Tarog ang muling kinukuha na magdi-direk sa Darna na pagbibidahan ni Jane De Leon, ngunit ito’y magalang namang tinanggihan na ng nasabing direktor ito ay dahil na nga rin sa may naka-schedule na siyang gagawing proyekto ngayong taon.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Mas makakatipid nga naman sana, kung si Direk Jerrold ang magdi-direk dahil maari nilang magamit yung ibang eksenang nakunan na sa nasimulan nilang pelikula, at maari pa nga sanang isama sa gagawing Darna TV series.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Nito nga lamang gabi ng Miyerkules, ay makikita ang naging post ni Direk Jerrold, kung saan ay sinabi ng direktor na hindi na siya involved sa bagong bersyon ng “Darna”. ito ay matapos siyang tanungin ni @ColeTheLegion ng;

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

“Hey @jerroldTarog! Are you still attached to the Darna seroes? Since we didn’t got any information if the same creative team is still attached’ Kung saan ay heto naman ang naging kasagutan ng direktor;

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

“Unfortunately, I’m not going to be involved in the TV series due to scheduling conflicts. But some doors remain open regarding my future involvement in the Ravelo universe.”
“We will see. For now, I wish, ABS-CBN & @Imjanedeleon all the best. Let’s continue to support them.”

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Nang tanungin nga kung matutuloy pa ang pelikulang Darna, ay ito naman ang naging kasagutan ni Direk Jerrold; “Sana. That’s up to the studio.” Mayroon namang ulat na mula umano sa isang source ang nagsabi na tila matatagalan pa talaga ang paglipad sa telebisyon ng seryeng Darna ni Jane De Leon.




“Actually, matagal pa yang series ni Jane kasi malabong mag-shoot talaga now, alam mo naman. If ever ituloy ‘yan. Siguro mga 2 years pa.” ang naging saad umano ng source.
Marahil ang pagkaka-delay nga rin ng Darna series dahil sa walang magdi-direk, ang dahilan kung bakit inilagay muna si Jane De Leon sa serye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Pprobinsyano”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *