Pagmasdan Ang Mga Nag-gagandahang Larawan Ni Maimai Entrata Na Kuha Sa Disyerto Ng Dubai

Sa kabila ng pagkakaroon ng krisis ngayon sa ilang mga bansa, ay hindi naman ito naging hadlang para sa ilan sa atin, upang mapuntahan o mapasyalan ang mga magagandang lugar na matagal na nating gustong puntahan at makita.




Katulad na lamang nga ng ilang mga celebrities na itinuloy ang kanilang getaway, at piniling puntahan ang mga lugar na hindi pa nila napupuntahan o di kaya naman ay matagal na nilang nasa planong mapuntahan.

Photo Credit: maymay/Instagram

Kabilang na nga sa mga ito, ay ang dalagang aktres na si Maimai Entrata, na kamakailan nga lamang ay pinili ang magbaksyon sa Dubai, upang sulitin ang new year vibes. Ayon nga sa mga naging ulat, kasama ni Maimai, ang ilan sa kanyang mga katrabaho sa indutsriya ng showbiz.

Photo Credit: maymay/Instagram

Madami man ang nakapilang mga proyekto para sa dalagang aktres, at kahit busy ang kanyang schedule ay hindi naman ito naging hadlang para siya’y makapamasyal sa mga lugar na matagal na niyang nais mapuntahan upang sa gano’n ay siya’y makapag relaks.

Photo Credit: maymay/Instagram

Ayon nga kay Maimai, ang fire works display na naganap sa Burj Khalifa, ang isa sa kanyang pinaka-aabangan at talagang nais niya makita. At tunay ngang siya’y namangha ng masilayan niya na, ang napakagandang fireworks display sa nasabing lugar.

Photo Credit: maymay/Instagram

“Pangarap ko lang ang makakita ng fireworks ng Burj Khalifa, tapos ang ganda, as in na in-love ako sa fireworks”, ani Maimai.

Photo Credit: maymay/Instagram

“Sobrang saya, hindi hanggang ngayon di ako makapaniwala na nangyari ‘yon” dagdag pa nito. Dagdag nga ng aktres, ay hindi niya inakala, na sa kanyang tanang buhay, ay mapupuntahan niya ang naturang lugar sa Dubai at masasaksihan ang isang napakagandang tanawin.

Photo Credit: maymay/Instagram

Maliban pa nga sa ginawa niyang paglilibot sa naturang bansa, ay hindi rin naman nagpahuli si Maimai na mapuntahan ang famous sand dunes sa Dubai, kung saan ay talaga namang nagpakuha siya ng larawan sa gitna ng disyerto at ipinakita ang ang kanyang pagiging photogenic at husay sa pagpo-pose.




Makikita nga sa mga nag-gagandahang larawan ni Maimai, na siya ay nakasuot ng isang black slit dress, kung saan ay talaga namang bumagay sa dalagang aktres, kaya naman sa kanyang ginawang pag ngiti at pag-pose sa harap ng kamera, ay hindi lang ang magandang tanawin ang iyong kamamanghaan kundi maging ang natural na kagandahan na taglay ni Maimai.

Base pa sa mga larawan ng aktres, na kuha sa naging bakasyon at pamamsyal niyang ito sa Dubai, ay kitang-kita na labis siyang nag-enjoy at nasiyahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *