Pamilya Pacquiao Pinakita Ang Bagong Renovate Na Mansyon Sa California

Mahirap ang buhay sa Pilipinas. Mababang sahod, mataas na mga bilihin, at walang maayos na sistema pagdating sa transportasyon. Ilan lamang iyan sa mga bagay na kinakailangan bunuin ang mga ordinaryong Pilipino kada araw. Ngunit kung ikaw ay medyo nakakaangat sa buhay, hindi mo na kailangang problemahin ang mga ito lalo na ang transportasyon at maayos na bahay.


Image courtesy from google




Ilan sa mga taong nabigyan ng pribilehiyo ay mas piniling magpundar ng bahay sa ibang bansa lalo na ang mayaman. Karaniwan sa mga ito ay mga bigating artista, pulitiko, at mga negosyante. Pinili nilang magkaroon ng bahay sa ibang bansa dahil mas malaki ang halaga ng mga ari-arian sa ibang bansa kumpara dito sa Pilipinas. Ito ang naisipang gawin ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao. Sa rurok ng kanyang tagumpay, nagpatayo sila ng mga bahay sa Pilipinas at sa ibang bansa.


Image courtesy from Jinkee Pacquiao via Instagram

Image courtesy from Jinkee Pacquiao via Instagram

Isa sa kanilang mga ari-ariang naipundar ay ang kanilang bahay sa Beverly Hills, California sa Amerika. Ang mansyon na ito ay dating pagmamay-ari ni Sean Combs o mas kilala bilang si “P. Diddy,” isang sikat na rapper. Taong 2015 ng bilhin ng pamilya Pacquiao ang masnyon na ito at nitong nakaraan lamang ni-renovate nila ang nasabing mansyon. Makikita sa Instagram account ni Jinkee ang mga litrato ng kanilang bagong ayos na mansyon.


Image courtesy from Jinkee Pacquiao via Instagram

Binubuo ang mansyon ng pitong kwarto at walong banyo. Malapad at maaliwalas ang mansyon ng pamilya Pacquiao kung mayroon itong hapag kainan na binubuo ng isang mahabang mesa na gawa sa kahoy habang carpet na nito ay mayroong gray color.
At para mas maging aliwalas ang kanilang mansyon, mayroon itong glass panels na may taas mula sa kanilang kisame hanggang sa kanilang sahig na matatagpuan sa kanilang sala na mayroong malaking mga sofa at flat screen na TV.


Image courtesy from Jinkee Pacquiao via Instagram

Siyempre, hindi rin mawawala sa kanilang mansyon ang napakaganda niyang veranda at ang magarbong swimming pool. May mga indoor plants rin sa mansyon na matatagpuan malapit sa hagdan patungo sa pangalawang palapag. Matatagpuan rin dito ang mga armchairs na maaari mong gamitin. Isa lamang ito sa mga ari-ariang mayroon ang pamilya Pacquiao. Tunay ngang napakaganda ng kanilang mansyon!


Image courtesy from Jinkee Pacquiao via Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *