Maliban kay Julia Barretto, ay isa pa nga sa mga anak ng dating mag-asawang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ang ngayon ay nakikilala na din sa mundo ng showbiz pagdating sa larangan ng musika at ito nga ay walang iba kundi ang kanilang pangalawang anak na si Claudia Barretto.
Matatandaan na noon lamang nakaraang taong 2017 ng magsimula si Claudia bilang isang Recording Arist, kung saan ang kauna-unahan ngang musika niya na kanyang inilabas ay may pamagat na ‘Stay’, na hanggang ngayon ay patuloy na maririnig na inaawit ng marami sa atin.

Katulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si Julia, mula nga ng pasukin ni Claudia Barretto ang larangan ng musika hanggang ngayon ay namamayagpag at nakikilala na ang kanyang pangalan.

Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na maliban sa pagiging isang recording artist, ay isa ring mental health advocate si Claudia, na ang layunin nga ay bumuo ng isang komunidad na nagtataguyod ng kamalayan sa kalusugan sa pamamagitan ng iba’t ibang sangay ng media.

Samantala, sa pinaka-bagong post naman ni Claudia sa kanyag Instagram kamakailan lamang ay ipinasilip ng dalaga ang naging masayang bakasyon niya sa ibang bansa, kung saan ay kanya ngang kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.

Ayon kay Claudia, ang naturang bakasyon niya na ito ay itinuturing niyang ‘Graduation Gift’ niya sa kanyang sarili, at ang ginastos niya nga rito ay mula sa perang naipon niya.
Kamakailan lamang kasi ay nagtapos na nga sa kolehiyo si Claudia sa Ateneo De Manila University, na talaga namang ikina-proud at ikinatuwa ng kanyang inang si Marjorie.

Bago nga ang naging bakasyon ni Claudia sa ibang bansa, ay ang ina niya pang si Marjorie ang naghatid sa kanya sa airport. Sa katunayan nagbahagi pa nga noon si Marjorie ng larawan ni Claudia sa social media account niya, at sinabi nga niya na miss na miss na niya ang anak na sa kasalukuyan nga ay nagbabakasyon sa bansang Europa.

Makikita naman sa mga ibinabahaging post ni Claudia sa kanyang social media ang kanyang mga magagandang larawan na kuha sa bansang kanyang pinagbakasyunan. At sa mga larawan niya ngang ito ay hindi mawawala ang mga komento ng kanyang mga kapatid na sina Julia at Dani Barretto, at ito nga ay nagpapatunay lamang kung gaano sila kalapit sa isa’t isa na magkakapatid.