Panganay Na Anak Ng Mag Asawang Cheska At Doug Kramer Na Si Kendra Agaw-Pansin Ang Taglay Na Kagandahan Ngayon

Isa ng napakagandang dalaga ang panganay na anak ng mag-asawa Cheska at Doug Kramer na si Clair Kendra Kramer.

Talaga namang hindi natin namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon, at unti-unti na nga lamang natin napapansin at nakikita na ang mga batang noon ay kinagigiliwan natin sa kakyutan, nagyon nga ay mga ganap ng dalaga at binata. Katulad na nga lamang nito ay ang panganay na anak ng mag-asawang Cheska at Doug na si Kendra, na ngayon nga ay nasa kanya ng preteens age.




Si Clair Kendra Kramer o mas nakilala ng publiko bilang si Kendra ay isa sa mga pinakasikat na celebrity kids sa mundo ng social media. Kinagiliwan at kinaaliwan siya ng maraming mga netizens nakakatuwa at adorable moments na na madalas ibahagi ng kanyang mga magulang sa online, lalo na nga noong siya ay bata pa.

Photo Credit: kramer.kendra/Instagram

Sa paglipas nga ng panahon, ngayon nga ay nasa preteens age na si Kendra at kitang-kita nga sa pagdadalaga niya ang taglay niyang kagandahan na namana niya sa pinaghalong ‘genes’ ng kanyang mga magulang.

Photo Credit: kramer.kendra/Instagram

Ayon nga sa mismong ama ni Kendra na si Doug Kramer ang panganay na anak niya ay lumalaki na kasinghawig at kasing ganda ng Mommy nito na si Cheska. Dagdag pa niya, isa ring mabuti at responsableng ate si Kendra sa dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Scarlet at Gavin.

Photo Credit: kramer.kendra/Instagram

Samantala, sa pagdadalaga nga ni Kendra ay maraming nakapansin ng kanyang taglay na katangkaran, at hindi naman ito nakapagtataka sapagkat ang kanyang amang si Doug ay napakatangkad din dahil sa ito ay isang basketbolista. Dahil sa taglay na tangkad at kagandahan ni Kendra ay marami nga ang nagsasabi na maari siyang maging isang modelo o beauty queen.

Photo Credit: kramer.kendra/Instagram

Mapapansin din na ngayong nagdadalaga na si Kendra ay mas lalo din siyang humuhusaz sa pagdadala ng kanyang kasuotan at masasabi naman na isa siyang natural na fashionista. Ngayon din na nagdadalaga na si Kendra, ay nagkaroon nga siya ng munting pagbabago sa kanyang buhok, kung saan ito ay kanyanbg nilagyan ng highlights.

Photo Credit: kramer.kendra/Instagram




Kahit naman 12-taong gulang na ngayon si Kendra, para naman sa kanyang mga magulang na sina Cheska at Doug ay manantili pa rin nga siya na ang panganay nilang baby girl.
Sa edad naman ngayon ni Kendra, ay tuloy-tuloy pa rin siyang nakatatangap ng mga endorsement mula nga sa iba’ty ibang mga beauty brands.

Leave a Reply

Your email address will not be published.