Panganay Na Anak Ng Mag-asawang Judy Ann Santos At Ryan Agoncillo Na Si Yohan Naging Emosyonal Sa Kanyang Ika-16 Na Kaarawan

Ang bilis nga naman ng panahon, dahil ang anak na panganay ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, ay dalaga na, dahil sa ito’y nagdiwang na ng kanyang ika-16 na taong gulang na kaarawan.




Hindi nga napigilan ng panganay na anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, ang maging emosyonal, sa naging pagdiriwang ng kanyang ika-16 taong kaarawan. Ito ay dahil sa hindi niya inaasahan na sa kabila ng nararanasan ng marami sa atin na krisis ngayon, ay mayroon palang inihandang sorpresa ang kanyang mga magulang para sa pagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Para sa kaarawan ng panganay nilang anak, ay naghanda ng Isang virtual party ang mag-asawang Judy Ann at Ryan, kung saan ay sorpresa nila ito para sa anak niyang si Yohan. Ang virtual party na ito, ay dinaluhan lamang ng ilang mga kaibigan ni Yohan, at ilang kapamilya ng mag-asawa.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Kahit pa nga ba simple lang ang naging selebrasyon ng kaarawan ni Yohan, ay talaga namang labis labis ang kanyang nadama ng kaligayahan, dahil sa hindi niya talaga inaasahan na maypa-party ang kanyang mga magulang para sa kanya.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Sa social media account naman ni Judy Ann ay nagbahagi ang aktres, ng ilang mga larawan na kuha, mula sa naging kaganapan s virtual birthday party ng kanyang anak na si Yohan.
Kalakip naman ng mga larawan na ito na ibinahagi ng Kapamilya actress, ay ang kanyang mensahe ng pagbati para sa anak, at ng nagpapabatid niya dito kung gaano niya ito kamahal.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

“Happy sixteenth baby love… oh how I wish I could still cuddle you from the first day I fell in love with you. You have grown so fast! So fast, that I want to turn back time to the day that you were so in love with a mascot and would bring me and daddy so much joy watching you so happy.”

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

“You will always be my first love sweetheart… you are one of the God’s greatest blessing and will forever be mommy and daddy’s baby girl. We love you so much sweetie pie… I know, in my heart .. that we were meant to be… #yohan16. Thank you to everyone who made our baby girls bday extra special!

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Base sa naging mensahe ng 42-taong gulang na aktres, para sa kanya, ay isa ang anak niyang si Yohan, ang isa sa mga pinakamagandang blessings na natanggap niya sa kanyang buhay na mula sa Diyos. Sinabi rin nito na mula ng dumating si Yohan sa kanyang buhay, ay nabatid na niya na talagang nakatadhana silang maging mag-ina.

Photo Credit: ryan_agoncillo/Instagram

Sinigurado rin ni Judy Ann sa kanyang mensahe para sa anak na si Yohan, na kahit dalaga na ito, para sa kanila ay mananatili pa rin ito na kanilang baby girl.

Mapapanood naman sa isang video clips na ibinahagi ni Judy Ann, ang naging pasasalamat ni Yohan sa mga magulang nito, kung saan ay hindi nito napigilan ang maluha habang nagsasalita, kaya naman hindi na nito nasabi pa ang iba niyang nais sabihin.

 

View this post on Instagram

 

Happy sixteenth baby love.. oh how i wish i could still cuddle you from the first day i fell in love with you.. you have grown so fast! So fast, that i want to turn back time to the day that you were so inlove with a mascot and would bring me and daddy so much joy just watching you so happy! You will always be my first love sweetheart… you are one of God’s greatest blessing and will forever be mommy and daddy’s baby girl! We love you so much sweetie pie… i know, in my heart.. that we were meant to be… #yohan16. Thank you to everyone who made our baby girls bday extra special! Planner @teenabarretto Backdrop @flourishandfrills Mystery game @mystery_manila Party bag @goodbagph Host @cerah #TBECuratedPartyBox #TeenaBarrettoEvents #ZoomDunnit #ZoomMysteries

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on

“Thank you for everything. There’s more [I want to say] but my tears are showing everything already”, ang naging mensahe nga ng pasasalamat ni Yohan para kana Judy Ann at Ryan.

Batid naman ng marami sa atin na si Yohan ay adopted child ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kung saan ay ang 26-taong gulang pa lamang noon na si Judy Ann ang talagang nag-ampon kay Yohan, at ng mapunta na nga ito sa pangangalaga niya, ay itinuturing na niya ang sarili niyang anak.




Ngayon ay mayroon na ring dalawang pang anak ang mag-asawang Judy at Ryan, ito nga ay ang mga nakababatang kapatid ni Yohan, na sina Lucio at Luna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *