Panganay Na Anak Ni Claudine Barretto Nagdiwang Ng Kanyang Ika-18 Taong Gulang Na Kaarawan

Nagdiwang ng ika-18 taong gulang na kaarawan ang panganay na anak ni Claudine Barretto na si Sabina, kung kaya naman ito ay ganap ng dalaga ngayon. Noon nga lamang araw ng Martes, ika-21 ng Hunyo ay ipinagdiwang ni Sabina ang kanyang 18th birthday, kaya naman ang kanyang inang si Caludine, ay hindi rin nakalimot na batiin at magpaabot ng kanyang nakakaantig na mensahe para sa panganay na anak.




“To my firstborn, my 1st daughter, my life. Happy happy 18th birthday @sab_barretto. I thank you so much for making me a mother. The moment I held you in my arms I knew that we were meant to be. That you were mine. How I remember that moment like it was yesterday”, saad ni Claudine sa unang bahagi ng kanyang mensahe.

Photo Credit: claubarretto/Instagram

Ayon kay Claudine, hindi pa rin nga siya makapaniwala na ngayon ay ganap ng dalaga at nasa edad 18 na ang kanyang panganay na anak. Saad pa ng aktres, parang kailan lamang ng ito ay kanya pang karga-karga. Nagpapasalamat din si Claudine kay Sabina, dahil ito ang unang naging dahilan para siya ay maging isang ganap na ina.

Photo Credit: claubarretto/Instagram

“Now that you are an adult, know that you will always be my baby. I cannot promise you that I will solve all your problems but know that you will never have to face them alone. I will forever be here for you, whether you like it or not,” she said. “It’s an honor to be your Mom. I love you more than you’ll ever know.”

Photo Credit: claubarretto/Instagram

Pangako naman ng aktres sa panganay na anak, sa kabila na ito ay dalaga na, ay mananatili pa rin nga na baby niya ito at mananatili siyang nasa tabi nito. Maliban nga kay Sabina, ay nagdiwang din ng ika-7 taong gulang na kaarawan noong ika-13 ng Hunyo ang isa pang anak ni Claudine, ito nga ay si Quia Aryanna.




Parehong legally adopted ng tinaguriang “The Optimum Star” na si Claudine Barretto sina Sabina at Aryanna, at ito ay hindi naman naging lihim sa publiko. Mayroon ding dalawang anak na lalaki ang aktres, ito naman ay si Noah, na kanyang biological son at si Noah na kanya namang adopted son.Biological child ni Claudine Barretto si Santino, kung saan ang ama nga nito ay ang dating asawa ng aktres, ito ay walang iba kundi ang ang FPJ’s Ang Probinsyano’ star na si Raymart Santiago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *