Panganay Na Anak Ni Jennylyn Mercado Na Si Alex Jazz Isa Ng Ganap Na Binata

Para sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ay talaga namang isang biyaya sa kanyang buhay ang kanyang panganay na anak na si Alex Jazz, ito nga ay sa kabila ng mga kinaharap niyang kontrobersiya at pagsubok noong panahon na ipinagbubuntis niya ito. Ang anak nga niyang si Alex Jazz ang naging lakas at sandalan ni Jennylyn upang patuloy na harapin at magsumikap sa buhay.




Si Alex Jazz din ang naging inspirasyon ni Jennylyn upang mas lalo pang pag-igihan ang kanyang pagtatrabaho sa entertainment industry, dahil bilang isa na ngang ina ay nais niya na mabigyan ng maganda at kumportableng pamumuhay ang kanyang anak. Mag-isang pinalaki ni Jennylyn si Alex Jazz, kaya naman talagang malapit sila sa isa’t isa.

Photo Credit via INstagram

Ipinanganak si Alex Jazz noong ika-16 ng Agosto taong 2008 at noon ngang nakaraang taon ay ipinagdiwang na nito ang kanyang ika-13 taong gulang na kaarawan. Kahit nga isa ng teenager si Alex Jazz ay makikita pa rin ang pagiging malapit nito sa kanyang Mommy.
Samantala, kahit naman abala sa kanyang trabaho si Jennelyn, ay sinisigurado naman niya na sapat ang oras at panahon na kanyang ibinibigay sa panganay niyang anak.

Photo Credit via INstagram

Sa katunayan madalas na ibinabahagi ng Kapuso actress sa kanyang social media account ang mga sweet moments nila ni Alex Jazz, kagaya na nga lamang sa kanyang pinaka-latest update nito lamang nakaraan. “My favorite pillow”, caption nga ni Jennylyn sa kanyang social media post kung saan ay nagbahagi siya ng larawan nila ng anak niyang si Alex Jazz, kung saan ay makikita nga na yakap niya ito.

Photo Credit via INstagram

Hindi naman maitatanggi na ngayon na nagbibinata na si Alex Jazz ay mas lalo ngang lumalabas ang angking kagwapuhan nito, kaya naman maraming mga netizenz ang nagsasabi na maari nga itong sumabak din sa pag-aartista tulad ng kanyan Mommy. Dahil nga sa mga magagandang katangian ni Alex Jazz, ay talaga namang masasabi natin na magiging isa siyang heartthrob ng kanyang henerasyon.

Photo Credit via INstagram

Sa edad ni Jazz na 13 ay may angking tangkad na din ito, at kapag nga siya’y ngumingiti ay lumalabas ang cute nitong dimple na mas lalo pa ngang nagpapa-gwapo sa kanya.
Habang lumalaki nga si Alex Jazz ay mas lumalabas na ang kanyang hilig at talento, at ang kanyang namang ina na si Jennylyn ay nakasuporta sa kanyang anak.




Batid naman ng publiko na ang ama ni Alex Jazz ay ang dating kasintahan ni Jennlyn na si Patrick Garcia na isa ring aktor, at sa kabila nga ng nangyari sa kanilang relasyon noon, ay hinahayaan naman ng Kapuso actress na makita at makasama ng anak niyang si Alex Jazz ang ama nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *