Panganay Na Anak Ni Manny Pacquiao Na Si Michael Ipinakilala Ang Napakagandang Babae Na Nagpatibok Ng Kanyang Puso

Isa sa mga pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay ang pamilya ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Simula ng umusbong ang karera ni Pacman sa boksing ay umusbong na rin ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Nakilala pa lalo ang pamilya Pacquiao ng pasukin nila ang mundo ng pulitika sa Pilipinas.




Dahil sa kasikatan ni Pacman sa boksing at sa politika, hindi na rin nakapagtataka kung bakit ganoon sila kayaman. Marami silang ari-arian hindi lamang dito sa Pilipinas, may ari-arian rin sila sa Amerika. Dahil sa angking yaman ng pamilya Pacquiao nagpundar na rin sila sa iba’t-ibang malalaking negosyo hindi lamang dito sa bansa kundi sa ibang na rin.

Kaya naman isa sila sa mga pinakatinutukang pamilya ng media. Habang si Pacman ay isang senador, si Jinkee ay may sarili ring pinagkakaabalahan, isa siyang beauty ambassador ng Belo Group. Sa kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng 5 anak. Ang kanyang panganay na anak si Michael Pacquiao na nitong nakaraan lamang ay gumawa ng ingay sa social media.

Kamakailan lamang ay dinumog ng mga netizens ang panganay na anak ng pamilya Pacquiao na si Michael matapos itong magpost sa kanyang social media account kasama ang isang magandang dalaga. Sa kanilang pagsasaliksik, napag-alamang ang kasamang dalaga ni Michael sa litrato ay ang modelong si Yazmin Aziz. Si Yazmin ay isang half-Filipino, half-Malaysian na taga Kuala Lumpur. Isang modelo at mang-aawit, hindi nakapagtataka kung bakit nahuhumaling si Michael sa angking ganda ng modelo.

Dahil dito, pinagpiyestahan ng mga netizens ang litrato ng dalawa. Hindi rin nila mapigilang maintriga sa estado ng relasyon ng dalawa lalo na’t nagpost ulit si Michael ng litrato ni Yazmin na may caption na “fire emoji” lamang. Mas lalo pang naintriga ang mga netizens nang mag comment ng “heart emoticon” ang dalaga.

Kung titingnan ang kanilang ibang litrato, makikitang minsan ay kasama nila si Jimuel at kung minsan pa ay ang pambansang kamao! Talaga namang napakaswerte ng isa’t-isa.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *