Panganay na Anak Ni Ruffa Gutierrez Nakikitaan Ng Potensyal Maging Isang Beauty Queen

Hindi maikakaila na tulad ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez ay may taglay na “looks and brains” din ang kanyang mga anak na babae. At ang panganay nga niyang anak na si Lorin, ay matagal ng nagiging laman ng usapan na posibleng sumabak sa beauty pageants, at sundan nga ang yapak ng kanyang mom na isa ngang beauty queen.




Kamakailan lamang, ang VIVA ay naglunsad ng isang press conference, ito nga ay upang i-welcome ang kanilang bagong talent na si Lorin Gutierrez. Sa press con na ito para sa dalaga, ay hindi naman nawala ang katanungan kung nasa isipan na ba niya ngayon ang sumabak sa beauty pageants.

Photo Credit: loringabriella/Instagram

Binigyan naman agad ito ng kasagutan ni Lorin, at malinaw na sinabi na sa ngayon ay nais niya munang magpokus sa kanyang acting career,at wala pa nga umano sa kanyang isipan ang pagpasok sa beauty pageants. Ngunit dagdag na saad niya, ay maari pa namang mabago ng panahon ang kanyang isipan.

Photo Credit: loringabriella/Instagram

“I don’t know what will happen to me. As of now, I don’t know know what will happen to me. as of now, I don’t really have plans of joining a beauty contest and I haven’t thought much about it. But honestly, in the future, my mind can change in three years, we’ll never know”, sambit ng dalagang anak ni Ruffa.

Photo Credit: loringabriella/Instagram

Dagdag pa na saad ni Lorin, nais niya munang tingnan kung pagdating nga ba ng tamang panahon ay dadalhin siya ng kanyang kapalaran sa pagtahak sa beauty pageants, ngunit sa ngayon nga ay ang passion niya muna sa pag-arte ang nais niyang i-pursue at bigyan ng pokus.

Photo Credit: loringabriella/Instagram

“I guess I’ll have to see it where my mind takes me and where my future takes me in terms of beauty pageants. Or what I decide to pursue in the future.”

“I think I’ve kind of decided after reflecting with myself that I also want to pursue my passion which is acting, while doing my studies at the same time. As long as I’m disciplined, as long as I make time, as long as I worked hard, I can balance everything.”, saad pa ni Lorin.




Ibinahagi rin ni Lorin, na sa ngayon talaga ay acting ang nasa puso niya, lalo pa’t nahasa rin niya ito sa kanyang paaralan kung saan ay madalas siya sumasali sa mga plays at drama sa klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *