Proud parents ngayon ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto, dahil ang kanila ngang panganay na anak na si Kier ay isa ng binatilyo sa edad nito na 13-taon matapos nga nitong magdiwang ng kanyang kaarawan nito lamang nakaraan.
Sa isang mensahe sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Kristine ng kanyang punong-puno ng pagmamahal na mensahe para sa panganay na anak na si Kiel . Sinabi ng Aktres, na ang pagdating nito sa buhay nilang mag-asawa ay hindi isang aksidente sapagkat ang biyaya nga na mula sa Poong Maykapal kailanman ay hindi maituturing na aksidente.

Dagdag pa ng aktres, ang panganay na anak nilang si Kiel ang naging daan sa kanilang mag-asawa upang maranasan ang maging isang magulang. “Walang aksidente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin. Na ikaw ang naging daan sa matinding training naming bilang magulang”, ang paunang saad ni Kristine sa kanyang mensahe para sa panganay na anak.

Dagdag pa niya, “Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings.” Para rin umano kay Kristine ay isang mabuti at napakamasunurin na anak ni Kiel, kaya naman proud siya bilang ina nito. “God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do”, saad pa ng aktres.Siyempre hindi rin naman kinalimutan ni Kristine na batiin ng ‘Happy Birthday’ ang panganay na anak, at ipaalala rito kung gaano nila ito kamahal at handang supurtahan sa mga magiging pangarap nito.

“Happy 13th birthday Kiel! We, your family, are just here for you.. We are proud of you. Your siblings are all looking up to you and are all cheering you on”, pahayag pa ng aktres.
“They adore you so much, Kuya. Please lead them well. We Love you”, ang naging patapos na mensahe ni Kristine para sa anak.

Samantala, maging ang mister ni Kristine na si Oyo Sotto ay mayroon ding naging mensahe para sa panganay na anak na si Kiel na ibinahagi rin nito sa kanyang Instagram account.
Ayon kay Oyo, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos sa 13-taon na buhay na ipinagkaloob nito sa panganay na anak, at para nga sa kanya ay isang malaking biyaya si Kiel sa kanilang pamilya. Inilahad din ni Oyo kung gaano niya kamahal ang anak.
“’I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel”, saad ni Oyo. Dagdag pa niya, “I may not be perfect but always remember that Dad loves you so much.”
“I love you Kiel! Happy Birthday! Let’s create more memories! I’m excited for you.”
Matatandaan na taong 2011 ng ikinasal ang mag-asawang Kristine at Oyo, at hindi naman naging lihim sa publiko na ang panganay nilang anak na si Kiel ay adopted son ng mag-asawa, ngunit minahal at tinuring nila itong tunay na kadugo at anak nila.
Maliban nga kay Kiel ay may tatlo pang anak na lalaki ang mag-asawa, ito nga ay sina Kaleb, Marvin at ang halos kasisilang lang ngayong buwan na si Vittorio Isaac. Nag-iisa naman ang kanilang anak na babae, at ito nga ang unica hija nila na si Ondrea.