Pangatlong Anak Ng Mag Asawang Lara Quigaman At Marco Alcaraz Isinilang Na

Nitong ika-17 ng Setyembre 2020, araw ng Huwebes ay isinilang na ng beauty queen na si Lara Quigaman ang bagong miyembro ng kanilang pamilya, at ito nga ay isang malusog at napaka-cute na baby boy na pinangalanan nila ng kanyang asawa na si baby “Moses.”



Sa Instagram post ni Larah, ay agad nitong ibinahagi ang larawan niya, kung saan ay yakap-yakap niya ang kanyang bagong silang na sanggol.
Photo Credit: laraquigaman/Instagram
Kalakip ng larawang ito, ay ang mensahe ng pasasalamat ni Larah sa Poong Maykapal, dahil sa panibagong biyaya na ipinagkaloob nito sa kanilang mag-asawa at ang pagiging ligtas nilang mag-ina sa kanyang naging panganganak.
“Thank You Jesus for another undeserved gift. my heart is so full! My whole being overflows with gratitude and awe. You truly are a good good God!” ani ni Larah sa kanyang post.
Sa post din niyang ito, ay proud na ipinakilala ni Larah sa publiko, ang bagong miyembro ng pamilya Alcaraz.
Photo Credit: laraquigaman/Instagram
“Meet our @mosesalcaraz born September 17, 2020 at 10:50 am.”
Kasunod pa nga nito, ay isa pang larawan ni Baby Moses ang ibinahagi ni Larah sa kanyang Instagram post. At dito nga ay mas makikita na ang mukha ng kanyang sanggol, dahil sa close-up picture ito ni Baby Moses.
Photo Credit: laraquigaman/Instagram
Kalakip naman ng larawan na ito ay ang caption na, “My handsome little Momo.”
Samantala, hindi rin naman nagpahuli ang asawa ni Larah na si Marco Alcaraz sa pagbabahagi ng naging pagsilang ng kanyang asawa sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Photo Credit: laraquigaman/Instagram
Sa Instagram account ni Marco, ay makikita na nagbahagi ito ng larawan ng kanyang asawang si Larah, habang mahigpit nitong yakap-yakap ang bagong silang nilang anak.
“Good morning to my brave wife @larahquigaman and [email protected]
Photo Credit: laraquigaman/Instagram
Mahal na mahal ko kayong 2. I’m sure excited na nag mga boys na makita ang new teammates nila.” Ito nga ang naging caption ng aktor sa kanyang IG post.
Nagbahagi rin ang aktor ng mensahe ng pasasalamat, para sa lahat ng taong nagdadasal na maging maayos at ligtas ang magiging pagsilang ni Larah.
“Thank you sa lahat ng mga dasal niyo safe and healthy ang mag-ina ko. Thank you Lord Jesus for another blessing.”
Marami naman sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa showbiz ang nagbigay ng pagbati sa panibagong biyaya na dumating sa pamilya Alcaraz, at narito nga ang ilan sa kanila;
“Congratulations for the latest addition to your family @marcoalcaraz @larahquigaman Another precious blessing from our Lord! May God guide you always in bringing up your children in His ways! God bless your beautiful, growing family.”
komento ni Connie Reyes “Let’s bring out the c!gars!!!! Congratulations!!!! – komento naman ni Arlene Muhlach “Congratulations”, ang maikling komento naman ng reporter-host na si Luane Dy-Gonzales.



Hindi nga lamang ang mga taga showbiz, ang natuwa at nagbigay ng kanilang “congratulatory message” para sa mag-asawa, dahil maging ang kanilang mga tagahanga at ilang mga netizens ay nag mensahe rin ng “congratulations” para sa kanila.
Matatandaan na buwan ng Abril ng kasalukuyang taon, ng masayang ibahagi sa publiko ng mag-asawang Larah at Marco, na silang dalawa ay muling magkaka-anak at ito nga ay kanila ng pangatlong anak. Congratulations Larah at Marco… Welcome, baby Moses!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *