Panoorin Ang Nakakakilig Na Prenup Ng Mag Asawang Maxene Magalona At Rob Mananquil

Ika-11 ng Enero taong 2018 ng ikasal si Maxene Magalona sa kanyang asawang si Rob Mananquil, kaya naman ngayong taong ito, ay ipinagdiwang na ng mag-asawa ang kanilang 3rd wedding anniversary.




Tunay ngang kay bilis ng paglipas ng panahon, at ito’y hindi natin namamalayan, dahil parang kailan lang ng ikasal ang mag-asawang Maxene at Rob, at nito nga lamang araw ng Lunes, Ika-11 ng Enero 2021 tatlong taon na pala silang mag-asawa.

Sa kanila ngang 3rd wedding anniversary, ay ibinahagi ng mag-asawa sa publiko ang kanilang pre nup video, na ngayon lang umano makikita ng madla, dahil noong ipinalabas ito sa araw na sila’y ikinasal ay tanging mga bisita at kaibigan lamang ng dalawa ang nakapanood nito.

Photo Credit: maxenemagalona/Instagram

Makikita nga sa Instagram ng aktres, ang naging pagbabahagi niya ng kanilang pre nup video, na may kalakip na caption na;

“In honor of our third wedding anniversary, we’re posting our prenup video which we only shared with pur guest at our reception.”

Photo Credit: maxenemagalona/Instagram

Saad pa ni Maxene, ay talagang damang dama niya ang bawat nilalaman ng pre nup video nilang mag-asawa, lalo pa’t isa sa mga naging awitin dito ay ang napakagandang awitin na pinamagatang “Gunita.”

Photo Credit: maxenemagalona/Instagram

Ayon nga sa aktres, ay napakaganda ng nasabing awitin, dahil sa nagpapahiwatig ito ng muling pag-alala o pagbabalik sa isang napakagandang memorya sa iyong buhay, katulad na lamang nga ng naging pag-iibigan nilang mag-asawa.

Photo Credit: maxenemagalona/Instagram

“A kaleidoscope balance between the light and the dark”, dagdag pa ni Maxene, kung ilalarawan nga niya ang pagmamahalan nila ni Rob.

Samantala, sa social media account naman ni Rob, ay makikita ang kanyang napakatamis at nakakakilig na mensahe para sa kanyang asawang si Maxene, kung saan ay binalikan niya ang lahat ng pinagdaanan nilang mag-asawa.

“It was 6 years ago when I first met @maxenemagalona. She was into parties, night outs and eating meat while I was into yoga, meditation, and have stopped eating meat for 10 years already and was transitioning into becoming vegetarian/vegan.

“We were on totally opposite sides of the boat, but the moment our eyes touched contact, it was a luminous gaze, tears just fell down like rain and we knew our meeting was a meeting of faith. As if the stars and planets were aligned and we knew to have one another was a blessing and a gift”, ang naging mensahe nga ni Rob.




“I love [email protected] Thank you for allowing yourself to open up to my world of yoga, mediatation and vegan food. I know it’s not the norms for most males out there, & I am forever grateful for you accepting my invitation to give them a try. I choose you everyday & always. Thank you for always being at my side”, ani pa ng mister ni Maxene.

Dagdag pa nga ng mister ng aktres, magka-iba man ang lifestyle nilang dalawa ni Maxene, ay natutunan naman nilang mag-adjust para sa isa’t isa. Kaya naman ang kanilang pagsasama ay nauwi sa kasalan, at ngayon nga ay tatlong taon na silang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *