Panoorin Ang Nakakakilig Na Prenup Video Ng Celebrity Couple Na Sina Luis Manzano At Jessy Mendiola

Noon lamang ika-12 ng Disyembre 2020 ay masayang inanunsyo ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa publiko ang kanilang engagement. Matapos nga ang apat na taon ng pagiging magkasintahan ng dalawa, ay nauwi na sa engagement ang kanilang relasyon.




Ikinatuwa naman ng mga kapamilya, kaibigan at tagahanga ng magkasintahan ang naging pagsasapubliko ng dalawa, na ang kanilang relasyon ay nalalapit ng humantong sa panibagong yugto nito, at ito nga ay ang nalalapit na nilang paglagay sa tahimik at bumuo ng isang masayang pamilya.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Agad namang nagtungo ang makasintahan sa mala-paraisong isla ng Amanpulo, matapos ang naging pag-anunsyo nila sa publiko na sila ay engage na. At sa naturang isla nga isinagawa ng mag-fiancee ang kanilang nakakakilig na prenup photo shoot at video.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Sa tulong ng mahusay na wedding film maker na si Bob Nicolas, ay naisakatuparan ng magkasintahang Luis at Jessy na lumabas sa prenup video nila ang kanilang nakakakilig at napakagandang pag-iibigan nilang dalawa.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Noon ngang ika-24 ng Enero 2021, araw ng Linggo, ay inilabas na ng dalawa sa publiko ang kanilang napakagandang prenup video, na kinunan sa mala-paraisong isla ng Amanpulo.

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Makikita naman sa naturang video ang labis na pagmamahalan nina Jessy at Luis sa isa’t isa, , lalo pa nga’t kasabay ng kanilang matamis na pagpapakita ng kanilang pag-ibig sa isat isa ay ang napakagandang awitin ng British singer na si HRVY (Harvey Leigh Cantwell) na “Baby, I Love Your Way.”

Photo Credit: senorita_jessy/Instagram

Masisilayan rin ang napakaganda at mala-paraisong ganda ng Isla ng Amanpulo, na naging saksi sa masayang kaganapan na ito sa relasyon ng celebrity couple.

Video Credit: Luis & Jessy/YouTube

Tatlong minuto ang nilalaman ng prenup video ng magkasintahan, at kahit sa napaka-iksing minuto lamang na ito, ay matagumpay naman na naipakita ng magkasinatahan sa lahat na bukal at wagas ang kanilang pagmamahalan.




Ang nasa likod naman ng magandang prenup phot at videos ng celebrity couple ay ang mahusay na videographers na sina Bob Nicolas, Albert Nicolas, at Fidel Galapia. At ang photographers naman na kumuha ng mga magagandang larawan ng dalawa, ay sina Pat at Pauline Dy.

Tunay ngang kahanga-hanga ang prenup video at photo ng magkasintahan, at marami na nga ang nag-aabang sa nalalapit na nilang kasal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *