Panoorin Ang Nakakatuwang Totropahin O JoJowain Challenge Ni Jessy Mendiola At Luis Manzano

Kahit nga ba hindi kilala ng actress na si Jessy Mendiola, 28 ang Kapuso actor na si Alden Richard, 29 ay tingin niya umano dito ay isa itong klase ng lalaki na pang boyfriend-material.
Ito nga ang naging pahayag ni Jessy sa naging latest vlog nila ng kanyang fiancée na si Luiz Manzano, ng game na game nilang laruin ang “jojowain o totropahin challenge”, nito lamang araw ng Huwebes, ika-4 ng Pebrero 2021.




Kilala nating lahat si Luiz Manzano, 39-taong gulang, bilang isa sa mga matagal ng Kapamilya TV-host actor, samantala ang kanya namang fiancée na si Jessy Mendiola, ay isa ring ABS-CBN star, bago pa man natin ito sandaling napanood sa isang lifestyle show sa TV5 noong last quarter ng taong 2020.

Image Credit via YouTube

Nang simulan na nga ng dalawa ang paglalaro ng nasabing challenge, ay isa sa mga aktor na naitanong kay Jessy na kung totropahin niya ba o jojowain ay ang Kapuso actor na si Alden Richards. At ito nga ang naging kasagutan ni Jessy;

Image Credit via YouTube

“Hindi naman talaga kami close ni Alden. Siguro, totropahin, tapos jojowain. Hahaha!”, napapangiting pag-amin ng fiancée ni Luiz Manzano.
Ipinaliwanag naman ni Jessy kung bakit ganun ang kanyang naging kasagutan.

Image Credit via YouTube

“Kasi, di ba, siya yung tipong pag naging boyfriend mo, alam mong mabait siya talaga.”
“Pagnaka-girlfriend siya, kumbaga alam mong safe ka”, ayon pa nga kay Jessy.
Pabiro namang humirit si Luiz sa naging kasagutan ng kanyang fiancée, kung saan ay kanyang sinabi na;

Image Credit via YouTube

“Mag-body guard ka na lang, para alam mong safe ka.”
Ayon pa nga kay Jessy, dahil sa hindi niya pa nami-meet ng personal si Alden, ay hindi niya pa masabi kung ano pang mga magagandang katangian ang taglay ng Kapuso actor.

Image Credit via YouTube

Nagseryoso naman bigla si Luis, at sinabi nga nito, na siya alam niya na mabait si Alden, dahil siya personally ay may utang na loob dito, ng minsan ngang saluhin siya nito sa isang hosting stint niya.

Image Credit via YouTube

“Totoo ito. Dahil si Alden, one time may hosting ako – kasama kita nun- nung nagkasakit ako. Tapos last minute, nanginginig ako sa fever. Tapos last minute, si Alden ang gumawa ng hosting”, ang naging pagbabalik tanaw nga ng Kapamilya host-actor.
“Thank you, brother sa ginawa mong yan”, ang dagdag pa ni Luis.

Vidoe Credit: Jessy Mendiola/YouTube

Ilan pa nga sa mga local male celebrity na nabanggit sa naging paglalaro nina Jessy at Luis sa kanilang vlog ng jojowain totropahin challenge, ay sina Jake Cuenca at Enchong Dee, kung saan ay parehong “totropahin” ang naging sagot ni Jessy sa mga ito.




Samantala, kay Luis naman ay ang mga Pinay celebrity na sina Bea Alonzo, Maja Salvador at Bela Padilla ang ilan sa mga natanong kung jojowain o totropahin ba niya. At ang naging kasagutan naman ng aktor, at “totropahin” niya lamang ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *