Panoorin Ang Pangungutang Prank Ni Valeen Montenegro Kay Alden Richards

Dahil sa prank na ginawa ni Valeen Montenegro, ay napatunayan niya na ang kaibigan niyang si Alden Richard, ang isa sa mga mabubuting niyang kaibigan na handa siyang tulungan sa oras ng kagipitan.



Isang prank nga ang ginawa ng aktres na si Valeen Montenegro, para sa kanyang kaibigan na si Alden. At upang mas maging kapani-paniwala ang prank niyang ito ay kinasabwat niya pa celebrity couple na sina Lovely Abella at Benjie Manalo.
Video Credit via YouTube
Makikita nga sa unang parte ng vlog ni Valeen, na tila kabado pa ito, dahil sa unang beses niyang gagawin ang pag-prank sa isang tao.
Video Credit via YouTube
Sinimulan nga ni Valeen ang kanyang prank sa pagtawag kay Alden, at sabihin dito ang animo’y kanyang problema, dahil sa pagkakaroon ng krisis dulot ng karamdamang kumakalat ngayon.
Video Credit via YouTube
“Den, sorry ha tumawag ako. Gusto ko lang mag-congrats dun sa kaganapan mo. Sobrang nakakatuwa. Ang galing mo atleast ngayon na may pandemic successful ka.”
Video Credit via YouTube
“I’ll cut to the crap. Kasi di’ba like from the start of the year nagkaroon ako ng problems with my dad and everything all the hospitalization. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako nakakabayad. Wala tayong work ngayon so nahihirapan din ako with everything like rent, bills.”
Video Credit via YouTube
Matapos ngang ikuwento ni Valeen kay Alden, ang kanyang problema sa gastusin, ay walang paligoy-ligoy nitong sinabi ang kanyang tunay na pakay sa kanyang naging pagtawag, at ito nga ay ang panghihiram ng pera sa aktor.
Video Credit via YouTube
“Ok lang ba na manghiram ako ng money sayo? Pero babayaran kita promise after everything is over. Baka next year.”
Video Credit via YouTube
Matapos ngang sabihin ni Valeen ang kanyang palusot upang ma-prank ang aktor, ay sinabi na nito kung magkano ang perang kanyang hihiramin o uutangin.
Una ngang sinabi ni Valeen na 1 milyon ang kanyang hihiraming pera kay Alden, kung saan ay labis na ikinabigla ng aktor.
Nang tila ibababa na ni Alden ang tawag, ay binabaan ni Valeen ang halaga, at ito ay ginawa iyang kalahating milyon na lamang. “Tingnan ko lang ‘yung mga papasok sa akin this month.” Ang naging saad nga ni Alden kay Valeen, na tila kumpirmasyon nito na handa niya itong pahiramin ng pera.
Makikita naman sa naging reaksiyon ni Valeen, na hindi siya makapaniwala na papaya si Alden na pahiramin siya ng ganoon kalaking halaga. “Oh my gosh. Sure ka Alden?” ani ni Valeen.
“Oo naman. Huwag mo na lang sabihin sa iba. Tayo na lang nakakaalam”, saad naman ni Alden. Nang kumpirmahin nga ni Alden na pahihiramin niya ang aktres ng perang kailangan nito, ay hindi na nakayanan pa ang actress-vlogger ang kanyang pag-prank sa aktor, at inamin na nga niya ito.



“Sobrang bait mo Alden. I’m sorry. IT’S A PRANK!” ang naging pag-amin nga ni Valeen kay Alden. Sinabi naman ni Valeen,
https://www.youtube.com/watch?v=J-YEu9BIHQo
na sobra ang kanyang naging paghanga at respeto kay Alden, at hindi na siya nagtataka kung bakit sobrang blessed ng aktor dahil sa talaga namang napakabuti ng puso nito. Umani naman ng sari’t saring komento mula sa mga netizens ang prank na ito ni Valeen sa aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *