Panoorin Miss Universe 2018 Catriona Gray Kung Saan Makikita Ang Kanyang Mga Nagawa Habang Nasa Kanya Ang Korona

Sa nalalapit nga na panibagong pageant ng Miss Universe ay inilabas ni Miss Universe Catriona Gray ang isang video na kung saan dito mapapanood ang kanyang mga nagawa bilang Miss Universe 2018. Sa video na ito din mapapanood ang mga oras na kinoronahan siya bilang Miss Universe 2018 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram




Ayon kay Catriona ay nais niyang maalala siya ng mga tao, lalo’t higit ng ating mga kababayan bilang isang naging Miss Universe na nagawa ang kanyang mga tungkulin na maging boses ng mga kababaihan at kabataan sa buong mundo.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

“I want to remembered as the queen who serves to be seen as using this opportunity and platform to pursue my purpose as an advocate and voice not just 104 million Filipinos but to the whole universe.” Ito ay mensahe ni Catriona para sa lahat ng ating kababayan at mga taong sumuporta sa kanya.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Makikita sa video na inilabas ni Catriona ang kanyang mga naging lakad at ginawa habang siya ay isang Miss Universe. Kabilang din sa makikita sa video ay ang ilan sa mga activities na ginawa niya, kasama na dito ang edukasyon para sa mga batang walang sapat na kakayahan upang makapag-aral, medical aid at ang HIV/AIDS awareness.

Mapapanood din sa naturang video ang naging ganap ng kanyang Homecoming dito sa Pilipinas matapos ang kanyang pagwawagi bilang Miss Universe, ipinakita rin niya ang kanyang paglilipat at pagtira sa New York kung saan naka base ang condo unit para sa kanya.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Si Catriona Gray ay pang-apat na sa mga Pinay na kinoronahan bilang Miss Universe na nagbigay ng karangalan sa ating bansa, at nag-uwi sa ating ng korona. Hindi nga matatawaran ang saya at galak ng ating mga kababayan ng itanghal siyang Miss Universe 2018.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

 

At ngayon nga sa darating na Miss Universe 2019, ay todo na naman ang suporta ng ating mga kababayan sa pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados. Umaasa si Gazini at ang mga Pinoy na muli niyang maiuuwi ang korona at titulong Miss Universe sa ating bansa.

Video Credit: Catriona Gray/FaceBook




Matatandaan na ang Bansang Valenzuela ang isa sa mga nagkaroon ng pagkakataon na makuha ng back-to-back ang titulong Miss Universe. Kaya’t kung magagawa ng ating pambato na si Gazini na maipanalo ang patimpalak ay pangalawa ang Pilipinas na magkakaroon ng record na back-to-back sa Miss Universe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *