Pansamantalang Itinigil Ng TV Host Na Si Bianca Gonzales At Asawang Si JC Intal Ang Kanilang Second House

Tunay nga naman na kapag bumubuo ng pamilya ang dalawang taong nagmamahalan ay mahalaga na mayroon na rin silang naipundar na tahanan para sa kanila.




Ito ay dahil mahalaga para sa isang pamilya na mayroong tahanan na masisilungan kung saan ito nga ay pupunuin nila ng napakaraming alaala, kasama na ang kanilang mga magiging anak na mas magbibigay kulay nga sa pagsasama ng mag-asawa.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Swerte nga naman na maituturing ang babae na nakatagpo at nakapangasawa ng lalaki na handang-handa na sa pagbuo ng pamilya, kung saan ay bago pa lamang ang pag-aasawa ay agad ng pinaghandaan ang pagkakaroon ng bahay para sa kanyang pamilya.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Kagaya na nga lamang ng TV host-actress na si Bianca Gonzales na buong pagmamalaki na ibinahagi kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawang su JC Intal, dahil bago pa man nga ang kanilang naging pagpapakasal ay sigurado na ni JC na may tahanan na siyang napundar para sa kanyang pamilyang bubuuin.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Kilala si Bianca Gonzales bilang isang mahusay na TV host, samantala si JC Intal naman ay kilala bilang isang PBA Player. Buwan ng Marso taong 2014 ng ma-engaged silang dalawa, at ang kanilang naging pag-iisang dibdib naman ay naganap ng buwan ng Disyembre ng parehong taon sa mala-paraiso ng isla ng El Nido, Palawan.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Sa ngayon nga ay kasalukuyang naninirahan ang mag-asawang Bianca at JC kasama ang kanilang anak sa tahanan na naipundar ng PBA basketball player bago sila naikasal.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Ibinahagi nga ni Bianca sa naging panayam sa kanya noon ng PEP kung gaano niya labis na hinahangaan ang kanyang mister, dahil sa talagang maging handa ito sa pagkakaroon ng pamilya sapagkat nagsagawa na ito ng tahanan na kanilang masisilungan bago ang kanilang naging kasal.

“I think iyong iyong isa sa mga goals niya before proposing, that we would have a house. Super lucky.” Samantala, habang tumatagal at lumalaki nga ang pamilya ng mag-asawa ay unti-unti umanong na-realize nina JC at Bianca ang tahanan na naipundar ni JC at hindi angkop para sa kanilang pamilya, ito ay dahil nga mayroon itong mga bahagi na hindi naging tama ang pagkakagawa.

“Na-realize niya mali-mali proportions. Hindi mo pa alam e. Like, ang liit pala ng kwarto ng anak dapat pala malaki. Kasi he doesn’t cook, iyong kusina pala ang nipis, tapos hindi nakakalabas iyong hangin. Things like that”, ang naging kuwento pa ni Bianca.

At dahil nga dito, ay nagpasya sina JC at Bianca na magpatayo ng isa pang tahanan para sa kanilang pamilya, na magiging angkop at swak sa kanilang lumalaking pamilya.

Ayon nga kay Bianca, dalawang taon na ang nakalilipas ng pasimulan nila ng asawa ang bagong tahanan na ito na kanilang ipinapatayo, at una nga nita itong ipinasalip noong buwan ng Setyembre taong 2018.

Sa ngayon ay malapit lapit na rin naman umano itong matapos, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng krisis ay muling nahinto ang konstruksyon nito.
“Lahat nung gusto naming i-correct dun sa house na iyon, we did it sa new house. We made sure na mas may space na siya, ganyan.”




Sa bagong tahanan nga na ipinatayo na ito ng mag-asawang Bianca at JC ay singurado na nila na naisaayos na nila ang mga bagay na naging pagkakamali nila sa nauna nilang tahanan.

Dagdag pa ni Bianca ay plano at nais nilang mag-asawa na hanggang sa mag-kolehiyo ang kanilang mga anak ay doon sila maninirahan sa kanilang bagong tahanan.
Samantala, ngayon nga ay dalawa na ang anak nina JC at Bianca at ito nga ay sina Lucia 5-taong gulang at Carmen, 2-taong gulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *