Paolo Ballesteros Lumikha Ng Isang Classy At Elegant Dress Para Sa Kanyang Nag-Iisa At Napakagandang Anak

Si Paolo Ballesteros ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na aktor at host sa mundo ng showbiz. Ngunit mas hinangaan siya ng publiko ng ipamalas niya ang kanyang husay pagdating sa pagmi-makeup. Matatandaan na nga na noon ay nag-trending si Paolo, matapos niyang gayahin ang iba’t ibang international artist sa pamamagitan ng pagmimake-up sa kanyang sarili.




Samantala, maliban sa kanyang karera sa mundo ng showbiz bilang isang host at aktor, ay ginagampanan rin ni Paolo sa tunay na buhay ang pagiging isang responsable at mabuting ama sa kanyang nag-iisang anak. Taong 2008 ng unang lumabas ang balita na nagkaroon siya ng anak sa kanyang dating kasintahan na si Kaye Nevada.

Image Credit via Google

Kaagad naman nagtungo sa bansang Amerika ang host-actor para maipakita ang suporta niya sa dating kasintahan at sa magiging anak, ito ay sa kabila nga ng mga ibinato sa kanyang negatibong mga komento dahil sa nasabing isyu.

Image Credit via Google

Isinilang ang anak ni Paolo sa dati niyang kasintahan noong ika-29 ng Nobyembre taong 2008, at ito ay pinangalanan ngang Keira Claire. Magmula nga ng maisilang na ang kanyang anak, ay nag-iba ang mga prayoridad ni Paolo, at mas una na sa mga ito ay ang kanyang anak. Ang kanyang anak na si Keira Claire ay lumaki sa bansang Amerika sa pangangalaga ng kanyang ina, at upang makasama nga ang anak ay madalas na bumisita roon ang aktor.

Image Credit via Google

Talaga namang naglalaan ng oras si Paolo sa kanyang anak na si Keira, sa katunayan kamakailan lamang ay kinagiliwan ng maraming netizens ang mga larawan na kanyang ibinahagi kung saan makikita ang masayang bonding moments nila ng kanyang anak.

Image Credit via Google

“Flex ko lang my junakis and my first ever dress made gamet ang sewing machine! Hoooooo!!! Hirap!!!!!Buti na lang ganda ng suot”, ang naging caption ni Paolo sa kanyang Instagram post.

Image Credit via Google




Makikita sa Instagram post ni Paolo na ginawan niya ng magandang dress ang kanyang anak, at ayon nga sa ilang ulat na lumabas ang naturang tela na ginamit ng aktor sa pagawa ng nasabing damit ay nabili pa niya sa bansang Japan.

Bagay na bagay naman talaga kay Keira ang ginawang nnapakagandang dress na likha ng kanyang ama, sa kabila ng pagiging simple nito, ay napaka-elegante at classy naman nitong tingnan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.