Paolo Contis Nagpagawa Ng Napakagandang Playground Sa Loob Ng Kanilang Bakuran Para Sa Kaligayahan Ng Kanyang Anak

Maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakalabas ng kanilang mga tahanan dahil sa restriction na ipinatutupad ng ating gobyerno, bilang pag-iingat sa mga kabataan sa lumalaganap na sakit ngayon na krisis. At dahil nga dito, ay masasabi natin na miss na miss na ng mga kabataan ang nakasanayan nilang pamamasyal o di kaya naman ay ang paglalaro sa mga playground.




Kaya naman upang bigyan ng mapaglilibangan at kasiyahan ang kanilang mga anak, ay ilang mga daddy ang gumawa ng paraan na magawan ang mga ito ng mga mapaglilibangan.

Image Credit via YouTube

Isa na nga sa mga daddy na ito ay ang celebrity dad na si Paolo Contis, na naisipan ang maglagay ng playground sa kanilang bakuran, upang mabigyan ng kasiyahan at mapaglilibangan ang kanyang anak.

Image Credit via YouTube

Ayon nga kay Paolo, naisipan niyang gawin ang indoor playground, dahil sa ilang araw ng hindi nakalalabas ng kanilang bahay ang napaka-kyut niyang anak na si baby Summer.

Image Credit via YouTube

Matatandaan na sa mga nakaraang video ni Paolo at ng partner nitong si LJ Reyes ay ibinahagi nila ang naging paglalagay nila ng isang playground para sa anak. Ngunit dahil nga sa semento ang pinaglayan nito, ay hindi maiwasan na magkaroon ng mga galos ang anak nilang si Summer kapag ito ay nadadapa, gawa ng paglalaro.

Image Credit via YouTube

Kaya naman para maiwasan na ang pagkakaroon ng galos ng anak, at bilang isang supportive daddy, ay naisipan ni Paolo na regaluhan ang anak na si Summer ng playground sa loob lamang ng kanilang bakuran.

Image Credit via YouTube

Makikita nga sa panibagong video na ini-upload ni Paolo sa kanyang YouTube channel ang ginawa nilang paghahanda , kung saan ang dating semento na pinaglagyan ng playground ni Summer ay nilagyan nila indoor grass para maging ligtas ito sa kanyang paglalaro.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Paolo Contis/YouTube

Maliban pa sa paglalagay ng indoor grass, ay binilhan din ng aktor ng playhouse at mga palaruan si Summer. Nang matapos nga ang naging set-up ng ginawa nilang indoor playground ay inihanda nila ito upang maging sorpresa kay Summer.




At ng makita nga ito ng kanilang anak ay makikita kung gaano ito nasiyahan at na-excite na maglaro. Makikita nga sa mga ngiti ni Summer habang siya ay naglalaro, na nagustuhan niya ang sorpresa na ito ng kanyang daddy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *