Paolo Contis Nahuli Ng Kanyang Asawang Iniinom Ang Kanyang Breastmilk

Mahirap maging isang magulang lalo na at bago ka pa lamang sa responsibilidad. Bagamat masaya ka dahil mayroon ka nang munting anghel, ibang klase ng sakripisyo rin ang kailangan mong iaalay para lamang magpalaki at alagaan mo ng maayos ang iyong sanggol. Pero syempre, hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka pwedeng maging masaya at maging makuwela sa buhay. Minsan, kailangan mo ring maging makwela upang hindi ka masyadong ma-stress sa pag-aalaga ng bata.

Photo Credit: @paolo_contis/Instagram




Nito lamang ay nag-viral sa social media ang litrato na ibinahagi ni LJ Reyes sa kaniyang Instagram account. Makikita sa litrato na ibinahagi ni LJ na inubos ng kanyang asawang si Paolo Contis ang breastmilk na kanyang itinabi para sa kanilang anak. Isang linggo na raw itong ginagawa ni Paolo. Ang gatas araw na iyon para talaga kay Summer Ayana.
At bilang isang kilalang komedyante, nagpost naman si Paolo ng kaniyang sariling video sa Instagram at sinabi sa caption na.

Photo Credit: @paolo_contis/Instagram

“Isang Paalala: Breastmilk is still best for babies up to 34 years old.”
Makikita sa video ni Paolo kung saan hinahanap ni LJ ang haaka na ginagamit niya para sa kanyang breast milk pump. Ayon kay Paolo, akala niya ay ang haaka ay bagong tasa nila sa bahay kung kaya’t hindi niya sinabi kay LJ na ginagamit niya ito hanggang sa nahuli siya.

Photo Credit: @paolo_contis/Instagram

Si Summer ang anak nilang dalawa. Bago pa man sila maging mag-asawa, may anak na si LJ kay Paulo Avelino na si Aki habang si Paolo Contis naman ay may dalawang anak kay Lian Paz. Bagama’t ganito ang kanilang sitwasyon tinanggap nila ang isa’t-isa. Sa kasalukuyan, masaya ang kanilang pamilya base sa kanilang mga nakakatawang posts sa Instagram.

Photo Credit: @paolo_contis/Instagram

Hindi naman talaga dapat “stressful” ang “parenting.” Minsan, kailangan mo lang talagang gumawa ng kalokohan upang maging masaya ka sa pag-aalaga ng bata. Pero sana naman, mga tatay, huwag niyong inumin ang mga breastmilk na dapat ay para sa iyong sanggol!

Video Credit: @paolo_contis/Instagram




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *