Pasok Sa Guiness Book Of World Records Ang Higanteng Estatwa Na Ito Na Gawa Sa Kawayan

Sikat tayong mga Pinoy sa ibang bansa dahil sa ating mga natatanging talento at kakayahan. Maliban sa magagandang pasyalan, dahil pag-uugali natin at kakaibang kultura kung kaya’t patuloy tayong dinarayo ng mga turista. Ang Pilipinas ay isang relihiyosong bansa kung saan 90% ng populasyon ay mga Kristiyano. 86% naman nito ay mga katoliko. Dahil dito, ugali na nating mga Pilipino ang pagiging madasalin. Mahilig rin tayo sa mga santo at santa.




Ang bawat bayan dito sa Pilipinas ay may itinuturing na patron na santo. Sa katunayan nga, ang ibang lugar sa Pinas ay ipinangalan sa santo. Sa Bayambang sa Pangasinan, ang kanilang santo ay si San Vicente Ferrer. Nitong nakaraan lamang ay umukit ang mga taga bayan ng Bayambang ng kanilang sariling kasaysayan hindi lamang sa kanilang probinsya sa Pangasinan kundi na rin sa buong mundo.

Ito ay dahil nakapagtala sila ng kasaysayan sa buong mundo nang matayo nila ang istatwa ni San Vicente Ferrer na gawa sa kawayan. May taas itong 50.23 metro na naging dahilan upang mailagay ito sa Guiness Book of World Records bilang pinakamataas na istatwang gawa sa kawayan sa buong mundo. Abril 5 nang buksan ito sa publiko kasabay ng pagdiriwang ng ika-400 na pagkakatatag ng parokya ng San Vicente Ferrer sa Bayambang.

Makikita ang istatwa sa St. Vincent Ferrer Park kung saan natatanaw rito ang buong bayan ng Bayambang dahil nasa taas ito ng bundok. Nilagay raw talaga sadya ang istatwa sa lugar na iyon para sa mga pellegrino yaman mayroon na rin itong mga istasyon ng Krus at kapilya kung saan maaaring magnilay-nilay ang mga parokyano ang mga turista.

Si Mary Clare Judith Phyllis Jose-Quiambao ang bumuo ng ideyang ito. Si Mary Clare ay asawa ng alkalde ng Bayambang na si Cesar Quiambao. Plano talaga ng bayan ng Bayambang na gawing dambana ng istatwa kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Vicente Ferrer.

600 na tao mula sa bayan ang kailangan para mabuo ang higanteng estatwa. 10 buwan rin ang kanilang pinuno upang matapos ang istatwo at kailangan pa nilang gumastos ng P250 milyon para dito. Ang dating planong gawin dambana lamang ay nakapag ukit pa ng sariling pangalan sa kasaysayan!




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *