Patrick Garcia Masayang Namumuhay Kasama Ang Kanyang Asawa At Mga Anak

Binansagan na “Crush ng Bayan” ang batang aktor noon na si Patrick Garcia, dahil sa kanyang nakakakilig na killer smile. Isa siya sa mga sikat na artistang hinangaan at kinakakiligan ng mga kababaihan noon. Ang kanyang career bilang artista ay nagsimula noong siya ay 11-years old pa lamang na kung saan ay kasama siya sa pelikula ng Diamond Star na si Maricel Soriano na “Separada”.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram




Ikinasal siya Kay Nikka Martinez noong March 2015. Ngayon ay isa na ngang full pledge daddy ang aktor na si Patrick Garcia, ayon sa kanya ay nag eenjoy siya na gampanan ang pagiging isang mabuting asawa sa kanyang asawang si Nikka at isang responsableng ama sa kanilang mga anak.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

May tatlong anak si Patrick Garcia at ang kanyang asawang si Nikka Martinez, ito ay sina Michelle, Patrice and Pia. Ayon din kay Patrick noong hindi pa siya isang ama ay marami ang nagsasabi sa kanya na mahirap maging isang tatay, dahil mararanasan mo ang magpalit ng diaper ng iyong anak at kung ano-ano pa na nakakapagod na gawain ng isang ama.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

“When you’re not yet a father they say that it’s hard daw, magpalit ng diaper, mga ganun. Pero when it’s there kayang kaya mo lang. Of course pag pagod ka there are some challenges na pagod na pagod ka tapos yung baby mo ayaw pa matulog. Yun lang yung mga challenges pero syempre sanay naman tayo sa puyat kasi pag-artista ka lagi kang nagpupuyat,” saad ni Patrick sa isang parenting forum.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Ayon din kay Patrick, kahit hindi na siya masyadong lumalabas sa telebisyon ay enjoy naman ang kanyang buhay sa mga nagiging experience niya sa kanilang bahay. Dahil para kay Patrick ang pagiging isang ama ay parang isang pelikula, may tawanan, may iyakan, may habulan, at may suspense ngunit ito ay walang horror.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram




Ayon din sa kanya, ang pagiging isang ama na umano ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ng aktor. Matatandaan din na ang aktor ay nagkaroon ng anak sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, ito ay si Alex Jazz Mercado na ipinanganak mo noong August 16, 2008.

Photo Credit: onlypatrickgarcia/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *