Patrick Garcia Sinorpresa Ng Kanyang Pamilya Sa Kanyang Ika-39th Kaarawan

Nito Lamang ika-14 ng Setyembre, araw ng Lunes ay ipinagdiwang ng aktor na si Patrick Garcia, ang kanyang ika-39th kaarawan. Naging espesyal at masaya ang araw na ito para sa aktor, dahil sa hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng isang simpleng sorpresa mula sa kanyang mag-iina.



Mula sa kanyang asawa at mga anak, ay nakatanggap ang aktor ng lobo at cake. Kung ating iisipin, ay isang simpleng surpresa lamang ito, ngunit para kay Patrick ay labis na ang kanyang kasiyahan dahil sa nararamdaman niya ang labis na pagmamahal sa kanya ng kanyang pamilya.
Sa kanyang Instagram account, ay nagbabago ang aktor ng larawan ng kanyang pamilya, kung saan kalakip nito ay ang caption ng kanyang pasasalamat, para sa kanyang mag-iina na siyang nagbibigay saya at inspirasyon sa kanyang buhay.
“Thank you to my love’s [heart emoticon], for surprising me today! I love you all so much.”
Samantala, makikita naman sa Instagram account ng asawa ng aktor na si Nikka, na nagbahagi rin ito ng matamis na mensahe para sa asawa, kalakip nito ay ang larawan rin ng kanilang masayang pamilya, na kuha mula sa naging simpleng pagdiriwang ng kaarawan ng aktor.
“WE LOVE YOU PAT!!! … more than you can ever imagine!”
Sa hiwalay na post naman ni Nikka, sa naging pagbati niya para sa kaarawan ng kanyang asawa, ay mababatid sa mensahe niya para rito ang kanyang labis na pagmamahal at pasasalamat kay Patrick.
Ayon kay Nikka, ay itinuturing niyang isang malaking biyaya ng Panginoon ang naging pagdating ni Patrick sa kanyang buhay. Kalakip ng mensahe ni Nikka para sa asawa, ay ang solong larawan ni Patrick, kung saan ay kitang-kita ang hindi kumukupas na kagwapuhan nito.
“I LOVE YOU SO MUCH!!!You are God’s best for me and I am so blessed to have you! You make me the happiest girl, love!!! THANK YOU!!! Today is all about YOU, so sit back, relax and enjoy your special day! HAPPIEST BIRTHDAY baby.”



Masasabi nga naman natin na napakapalad ng aktor sa kanyang pamilya, dahil mababakas sa mga ito na talagang mahal na mahal siya ng mga itoa, lalo na ng kanyang asawang si Nikka.

 

View this post on Instagram

 

My day! Couldn’t have asked for more! Link on my bio!😊 #garciafamvlogs

A post shared by Patrick Garcia (@onlypatrickgarcia) on

Matatandaan na Ikinasal si Patrick Garcia at Nikka Martinez, noong ika-15 ng Marso taong 2015, at sa halos limang taon na nilang pagsasama bilang mag-asawa ay biniyayaan na sila ng tatlong anak, ito ay sina Michelle Celeste, Nicola Patrice, at Francisca Pia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *