Paul Jake Castillo Sinagot Ang Komento Ng Isang Netizen Ng Sabihin Nitong “Pangit” Ang Kanyang Anak

Bilang mga magulang ay wala tayong ibang ninais para sa ating mga anak kundi ang kabutihan nito. Iwas ng iwas din tayo na makaranas sila ng sakit o may mga taong makasakit sa kanila dahil sa sobra-sobra nating pagmamahal sa kanila.

Photo Credit: pauljake_castillo/Instagram




Kaya’t hindi na nga iba sa atin ang naging reaksyon ng dating PBB housemates na si Paul Jake Castillo ng hindi na niya matiis ang mga sinasabi ng isang netizens tungkol sa kanyang anak kaya’t sinagot niya ang mga post nito.

Photo Credit: pauljake_castillo/Instagram

Talaga nga namang wala kang pribadong buhay kapag ikaw ay isang artista, at talagang hindi maiiwasan na ang ilan sa mga netizens ay malayang magbigay ng opinion nila o reaksyon nila sa bawat pangyayari sa buhay ng isang aktres o aktor.

Photo Credit: pauljake_castillo/Instagram

Minsan pa nga pati sa pamilya ng mga artista ay nakapagbibigay koentonangbibang netizens at ito ang naranasan ni Paul Jake sa isang netizens na nagbigay ng komento sa anak ng dating PBB housemates.

Photo Credit: pauljake_castillo/Instagram

Para naman kay Paul Jake malaya ang mga netizens na magbigay ng kahit na anumang komento tungkol sa kanya ngunit ang hindi lang niya gusto ay pati pamilya niya lalo na ang kanyang anak ay madadamay pa sa mga negatibong komento ng mga netizens.

Bilang isang ama, ay hindi na palalampasin ang mga masasakit na komento na ibabato sa kanyang pamilya lalo na pagdating sa pinakamamahal nilang anak. Matatandaan na noong December 9, 2016 ng magpakasal ang entrepreneur daddy sa aktres na si Kaye Abad, ang kanilang pamilya ay masaya at tahimik na naninirahan sa Cebu City kung saan nagmula ang angkan nina Paul Jake.

Ang mag-asawa ay agad biniyayaan noong taong 2017 at ito ay pinangalanan nilang si Pio Joaquin Castillo na kung saan ay nagdiwang na ng kanyang ika-2 taon noong December 2019.

At dahil nga ang social media na ngayon ay parang photo album na ng isang mag-anak na kung saan ay ibinahagi ng karamihan sa ating mga magulang ang mga larawan ng ating mga anak o buong pamilya ay masayang ibinahagi ni Paul Jake ang kanilang mga sweet photos na mag-anak sa kanyang Instagram Account.

Samantala hindi naman inaasahan ni Paul na isang netizens ang walang pasintabi na magkokomento ng ” Ang pangit nung bata”.




Para naman sa isang ama hindi ito isang magandang komento para sa kanyang anak kaya naman hindi pinalampas ni Jake ang komentong ito at sinagot ang netizens ng mahinahon at nasa professional manners pa rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *