Paula Peralejo Ano Na Nga Ba Ang Buhay Ngayon Matapos Iwanan Ang Buhay-Showbiz

Naaalala niyo pa ba si Paula Peralejo? ang isa sa mga cast members ng TV gag show na “Ang TV”? Ilang taon na nga na hindi natin siya nasisilayan sa telebisyon.




Kaya’t tanong ng marami at kanyang mga tagahanga noon, ay nasaan na kaya siya ngayon at ano na nga ba ang buhay ni Paula Peralejo matapos iwanan ang showbiz industry? Taong 1992 ng magsimula ang karera ni Paula Peralejo sa industriya ng showbiz.

Image Credit via Google

Ilang mga serye at proyekto din ang ginawa niya sa pamunuan ng ABS-CBN TV network, at isa na nga dito ay ng mapabilang siya bilang cast sa “GIMIK”. Isa naman sa kanyang hindi malilimutang karakter na ginagampanan, ay ng gumanap siya bilang si “Anne” sa seryeng Tabing Ilog, kung saan ay tumatalakay ang seryeng ito sa kwento ng pagkakaibigan.

 

Halos apat na taon ding namayagpag sa telebisyon ang “Tabing Ilog”, hanggang sa matapos ito noong 2003. Alam din ng marami sa atin, na may ate rin siya sa loob ng industriya at ito ay isa rin sa mga sikat na aktres noon na si Rica Peralejo.

Image Credit via Google

At tulad ng kanyang ate Rica, ay isa rin nga si Paula sa mga sikat na aktres noon na hinahangaan ng marami. Ngunit, matapos ang ilang serye at proyekto niya sa industriya ng showbiz, ay iniwan din ito ni Paula upang ipagpatuloy at tapusin ang kanyang pag-aaral sa Up Diliman.

Image Credit via Google

Ayon sa isang artikulo, nagtapos ang dating aktres ng kanyang kolehiyo noong 2008, at nakakuha pa nga ng parangal na Magna Cum Laude sa kanyang kursong Bachelor’s Degree in Philosophy minor in Tourism. Sa ngayon, ay mayroon na ring sariling pamilya si Paula.

Image Credit via Google

Ang kanyang naging asawa, ay si Charlie Fernandez at ikinasal sila noong February 23, 2013 sa isang Filipiniana-themed wedding. Biniyak na rin si Paula at kanyang asawa ng isang anak.

Image Credit via Google

Masaya at tahimik na namumuhay ngayon si Paula kasama ang kanyang buong pamilya, malayo sa buhay sa showbiz na alam naman ng marami sa atin na hindi maiiwasan ang intriga.

Image Credit via Google

At dahil nakapagtapos ng kursong Tourism, taong 2015 ay nagpatayo ang dating aktres ng kanyang sariling travel agency na tinawag niyang “Our Restless Feet Travel and Tours”. May sarili ding blog site si Paula, at ito ay ang “Paula the Explorer”.




Matatandaan naman na bago matapos ang taong 2016, ng anunsyo ni Paula na sa tatlong taong pagsasama nila ng kanyang asawa ay magkakaroon na sila ng anghel sa pamilya kaya naman hindi lang pagiging isang wife ang magiging wole niya kundi isa na ring mommy para sa kanilang magiging anak.

Base naman sa Instagram account ni Paula, kung ito’y inyong bisitahin, makikita na ang aktres at kanyang pamilya ay mahilig sa pagtatravel o pamamasyal sa iba’-ibang lugar at busy rin umano ang aktres sa pamamalakad ng kanyang travel agency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *