Pauleen Luna at Vic Sotto Ibinahagi Na Hindi Naging Hadlang Kailanman Sa Pagmamahalan Nila Ang Kanilang Malaking Agwat Sa Edad

Bago pa man maging mag-asawa sina Pauleen Luna at Vic Sotto, ay dumaan muna sa iba’t ibang mga kontrobersiya ang kanilang relasyon noon.




Matatandaan na taong 2011, ng maging usap-usapan ang dalawa, at magsimula nga ang isyu na may namumuo ng pagkakamabutihan sa kanila, at sila nga ay nade-date na. Ngunit, hindi naman ito agad kunimpirma at isinapubliko nina Paulee at Vic.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Makalipas nga ang dalawang taon, ay nagbigay na ng kanilang kumpirmasyon sina Vic at Pauleen, sa tunay na estado nila, kung saan noon ngang 2013 ay isinapubliko na ng dalawa na sila nga ay magkarelasyon na.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Sa naging panayam sa mag-asawa sa programang “Tunay na Buhay”, ay ibinahagi ni Pauleen at Vic kung paano nga nagsimula ang kanilang pag-iibigan, at kung paanong sa kabila ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon sila ng masaya at matibay na relasyon.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Ayon kay Bossing Vic, nakasulat na sa kanyang puso si Pauleen Luna, samantala inamin naman ni Pauleen na dahil sa pagiging pursigido ni Bossing, ay napalapit siya rito hanggang sa mahalin na nga niya ito.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

“Before we get married, I think we were together for 5 years, we were lowkey, we like having dinner’s out, we go to mass together such as much as we can”, pahayag pa ng mag-asawa.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman natin na malaki ang agwat ng edad sa isa’t isa nina Pauleen at Vic, kaya naman talagang noong una na malaman ito ng mga anak ng TV host-actor, ay hindi maiwasan na nararamdaman ng pagka-ilang. Ngunit ayon sa isang anak ni Vic, na si Danica, ay nirerespeto nila ang at sinusuportahan ang desisyon ng kanyang ama, lalo pa’t nakita niya na masaya at mahal nito si Pauleen.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Para naman kana Vic at Pauleen, kahit kailan ay hindi naging hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa ang malaking agwat ng kanilang edad. At dahil sa ang Panginoon ang setro ng kanilang relasyon, ay alam nilang mas magiging matibay pa ito.

Taong 2015 ng aminin nina Pauleen at Bossing Vic na silang dalawa ay engaged na, ito ay dahil sa naging maganda nga ang takbo ng kanilang relasyon. At Ikinasal naman ang dalawa sa St. James The Great Parish sa Alabang, noong taong 2016.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Sa ngayon nga ay may-isa ng anak ang mag-asawa, at ito nga ay si Tali o Talitha Sotto, isang malusog na baby girl na ngayon ay tatlong taong gulang na.




Ayon sa mag-asawa, ay super spoiled ang kanilang anak, lalo pa nga’t nag-iisa pa lamang ito. Saad pa ni Pauleen, kapag may gusto si Tali, ay agad nila itong ibinibigay ng kanyang asawang si Bossing Vic.

100% support naman umano sina Pauline at Vic, kung dumating man ang panahon na naisin ng kanilang anak na pasukin din ang mundo ng showbiz, at gusto na maging isang artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *