Pauleen Luna Masayang Ibinahagi Ang Pagdiriwang Ng Kaarawan Ni Bossing Vic Sotto

Pagdating sa komedya at pagbibigay ng kasiyahan sa maraming mga manonood ay kabilang sa mga nangunguna riyan ay ang aktor, komedyante at TV host ng noontime variety show na Eat Bulaga na si Vic Sotto o mas kilala nga ng nakararami bilang si Bossing Vic.




Dahil sa kanyang kabutihan at pagiging matulungin sa kapwa, ay binansagan nga siya ng marami bilang si Bossing, at ito ay hindi naman kataka-taka dahil hanggang sa ngayon nga ay patuloy pa rin siyang nagbibigay inspirasyon sa maraming tao na kanyang natulungan.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Maliban pa nga sa pagiging isang mahusay na aktor komedyante at TV host ni Bossing Vic ay may angkin din siyang kagwapuhan at karisma kaya naman hindi kataka-taka na marami ang babaeng nahumaling at napa-ibig sa kanya, dahilan na din upang siya ay magkaroon ng malaking pamilya.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Samantala, kamakailan nga lamang ay sinalubong na ni Bossing Vic ang kanyang ika-68 taong gulang na kaarawan. At sa espesyal na araw nga na ito sa buhay niya ay hindi lamang ang asawa niyang si Pauleen at anak nilang si Tali ang nakasama niya, kundi maging ang lahat ng kanyang mga anak at iba pang miyembro ng kanilang pamilya ay dumalo rin sa nasabing okasyon.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng misis ni Bossing na si Pauleen Luna-Sotto sa Instagram nito ang napakaganda ngang mga larawan na kuha mismo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Bossing Vic. Dito ay mapapansin nga na halos kumpleto ang mga anak ng komedyante na sina Danica, Oy o at Mayor Vico.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram

Hindi naman nakaligtaan ni Pauleen na mag-iwan ng matamis na pagbati at mensahe para sa kanyang pinakamamahalna mister. Dahil sa isa pang larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram kung saan makikita na sweet photo nila itong mag-asawa ay nilakipan nga niya ito ng caption na may matamis na mensahe para kay Bossing Vic.

Photo Credit: pauleenlunasotto/Instagram




“My rocks amidst na chaos. Thank you for your love, Babe. I thank God everyday for your life. Happy Birthday! I Love You!”, saad ni Pauleen sa kanyang caption.
Tunay namang ang nagbibigay kasiyahan sa isang tao sa araw ng kanyang kaarawan ay hindi lamang ang pagkakaroon ng simple o magarbong pagdiriwang, dahil ang mas nagpapasaya pa nga lalo sa ganitong uri ng okasyon ay ang makasama mo ang mga taong mahahalaga sayo at mahal mo, lalo na nga ang iyong buong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.