Paulo Avelino At Angel Locsin Nagkatuwaan Sa Twitter Tungkol Sa Issue Nina Bea Alonzo At Gerald Anderson

Marahil halos lahat sa atin ay may kaalaman tungkol sa nangyari sa dalawang artistang sina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Naging laman ang dalawang batikang artista ng social media at ng mga balita matapos mag post si Bea Alonzo ng isang cryptic message sa kaniyang Instagram account.

Photo Credit: Google




Biglang umingay ang social media dahil sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng dalawang artista. Maliban pa rito, naging mas mainit ang kontrobersiya ng masangkot si Julia Barretto sa intrigang kinakaharap ng dalawa. Ayon sa spekulasyon ng mga netizens, si Julia raw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. inamin rin ni Bea Alonzo na wala raw silang maayos na “closure” ni Gerald at sinabing bigla na lang raw siyang hindi kinausap ni Gerald.

Image Credit: @Paulo Avelino/Instagram

Naniniwala ang mga netizen na biktima si Bea Alonzo ng “ghosting.” Ang “ghosting” ay isang pangyayaring inimbento ng makabagong henerasyon na nangangahulugang ang isang tao ay iniwan o kaya’y iniwan sa pamamagitan ng hindi pagpaparamdam dito ng walang dahilan. Ito ang karaniwang senyales na gusto nang makipaghiwalay ng iyong kasintahan sa iyo.

Image Credit: @Paulo Avelino/Instagram

At dahil sa nangyaring ghosting kay Bea, nakuha pa itong gawing katatawanan ng aktor na si Paulo Avelino na siya namang kinomentohan ni Angel Locsin. Gamit ang tatlong emojis na multo, nagtweet si Paulo gamit ang kanyang Twitter account ng mga katagang, “Na Bea Alonzo ka na ba bes? #ghosting.”

Image Credit: @Paulo Avelino/Instagram

Maraming mga netizens ang natawa sa kanyang tweet at isa na sa mga nagulat ay ang aktres na gumanap bilang si Darna na si Angel Locsin. “Heneraaaaaal!!!!!” Iyan na lang ang nasabi ni Angel Locsin. At para mas painitin pa ang katuwaan, nag comment rin ang aktor na gumanap na Heneral Gregorio del Pilar sa Pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” na,”Hoy Darna! Literal ghost na ako dedz na si Heneral.”

Video Credit: @Paulo Avelino/Instagram

 

View this post on Instagram

 

Further testing out the BMPCC4k with random on the spot shoots. #Fangirl #bmpcc4k @beaalonzo @gerekorein

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino) on

Image Credit: @Paulo Avelino/Instagram

Hindi nga naman yata tama na ang biktima ng “ghosting” dahil hindi natin alam ang maaaring maging epekto nito sa mga taong biktima. Mas mainam pa ngang magsabi ng masakit na katotohanan kaysa paniwalain ka sa masayang kasinungalingan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *