Paulo Avelino Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Napakagandang Girlfriend Na May Lahing Pinay

Para sa atin na humahanga sa maraming mga artista, ay may ilan nga na talaga namang tila nakakaramdam ng “heartbreaks” kapag nalaman na ang ultimate-crush nilang aktor o aktres ay mayroon ng karelasyon o lovelife.



Hindi natin maitatanggi na isa sa gwapo, matipuno, kinakikiligan at pinapangarap ng maraming kababaihan ngayon sa mga artista sa showbiz ay ang aktor na si Paulo Avelino. Maituturing nga na isa si Paolo sa mga makikinang na bituin ngayon bilang Kapamilya aktor.
Image Credit via Google
Isa nga si Paulo Avelino sa maituturing na “heartthrob” ngayon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas, kung saan ay hindi lang ang kanyang pisikal na anyo ang kahanga-hanga kundi maging ang kanyang galing at talento sa pag-arte.
Image Credit via Google
Marami na ngang mga pelikula at proyekto ang kinabibilangan ng aktor, kung saan dito matutunghayan ang kanyang galing bilang isang aktor.
Image Credit via Google
Masasabi naman natin na maraming mga kababaihan ang talaga namang nagkakagusto kay Paolo Avelino, at ilan nga sa kanila ay talagang pinapangarap ang aktor.
Image Credit via Google
Ngunit para sa kaalaman ng lahat, lalo na sa mga babaeng pantasiya si Paolo, “sad to say”, pero tila makakaramdam kayo ng “heartbreaks” dahil sa ang aktor ay mayroon ng nobya, kung saan ay isa itong Fil-Aussie na napakaganda at napaka-seksi pa.
Image Credit via Google
Ang napakagandang kasintahan nga nayon ng aktor ay kilala bilang ang Filipina-Australian na si Jodie Elizabeth Tarasek.
Image Credit via Google
Bagama’t may lahing Pilipina, ay lumaki si Jodi sa Sydney, Australia. Ngunit magkaganoonman ay ipinagmamalaki pa rin ang Fil-Aussie na dalaga na siya’y may lahing Pinoy.
“I’ve always loved my Filipino side, and I think that probably the biggest influence that kept me here is that. I’ve travelled around Asia, and I’m not just saying this because I’m a half-Filipino, but the people, the friendliness, the hospitality, all of that attributed to why I stayed here. I made such a great group of friends like my life is here now,” saad ng dalaga.
Sa isang eksklusibong panayam kay Jodie, ay ibinahagi ng dalaga na madalas siyang bumisita sa Pilipinas at talagang nilalaman niya talaga ng panahon sa tuwing siya ay nagpupunta rito.
Ayon pa sa dalaga, isa sa pinaka-nagustuhan niya sa Pilipinas ay ang pagiging hospitable ng mga Pinoy.



Isa rin umanong modelo si Jodie, at hindi ito magiging katakataka dahil sa angkin niyang ganda at kabutihang taglay. Noong una nga raw ay hindi pa siya kumpiyansa sa kanyang sarili, ngunit dahil sa tulong at tiwala ng mga kaibigan at pamilya niya ay unti-unti na rin siyang naniwala sa kanyang kakayahan.
Sa mga nagtatanong naman kung gaano na katagal ang relasyon nila Paolo at Jodie, ang magkasintahan ay halos dalawang taon ng matatag at masaya sa kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *