Pelikulang Darna Na Pagbibidahan Ni Jane De Leon Kinumpirma Ng ABS-CBN Na Matutuloy Sa Taong 2021

Kinumpirma na ng ABS-CBN na sa darating na taong 2021, ay muling lilipad ang Iconic Pinay Superhero na si Darna. Ito ay matapos ang ilang beses nitong pagka-antala, dahil sa mga kadahilanan na hindi naman hawak ng produksyon.




Samantala, kasabay ng balitang ito, ay ang nakalap naman na impormasyon na hindi na sa pelikula muling lilipad ang Iconic Pinay Superhero, kundi mas piniling ito ay ipalabas na lang muna sa telebisyon, dahil sa panahon ngayon kung saan ay limitado pa ang galaw ng karamihan ay mas madaling gawin ito sa TV kaysa sa big screen.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Ayon nga sa source, ay big scenes ang karamihang kailangan sa “Darna” movie, at dahil sa napakahigpit ng protocols ngayon, na halos 50-katao lang ang allowed sa set ay hindi na itinuloy pa ang shooting ng pelikula nito.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

“Maraming fight scenes sa Darna, maraming talents, maraming big scene kaya mahirap ituloy sa limitadong tao”, ang naging pahayag ng source.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Sa kabilang banda, ang Kapamilya actress na si Jane De Leon pa rin naman ang bibida at gaganap bilang “Darna”, kung saan bago pa man nagkaroon ng lockdown sa bansa dahil sa pagkakaroon ng krisis ay nakapagsulat na ng kanyang training ang aktres.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Nabalita rin na bago pa magkaroon ng krisis ay umabot na ng 15-days ang naging shooting ng “Darna”, saka ito inihinto. At dahil nga na ang “Darna” ay gagawin ng isang teleserye at hindi na isang pelikula, ay lumabas ang balita na ang script nito ay ine-revise na, ito ay upang maging akma ang bawat “scene” nito na ipapalabas sa telebisyon.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Matatandaan naman na ang direktor ng dapat ay bagong bersyon ng pelikulang “Darna” ay si Jerrold Tarog, ngunit ngayon na ito’y isasa-telebisyon na lamang, ay hindi pa malaman kung sino ang magdidirek nito dahil si Jerrold Tarog, ay nakakontrata lamang sa pelikula nito.

Photo Credit: imjanedeleon/Instagram

Ayon pa sa ulat, maaari naman umano sana itong ituloy ni direk Jerrold Tarog, kaso sa darating na taon, ay marami na itong pagkaka-abalahang mga proyekto at pelikula sa TBA studios, kagaya na lamang ng “Quezon” na pagbibidahan ni Benjamin Alves.




Hindi naman nasagot ng source, kung isasama ba sa magiging teleserye ng Darna ang mga eksenang nakunan ni direk Jerrold sa “Darna” movie.

Sa muling paglipad ng Darna sa telebisyon, sa susunod na taon (2021) ay una itong mapapanood sa iWant TFC, bago pa man ito umere sa Kapamilya channels at A2Z.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *