Pia Wurtzbach In A relationship Matapos Kumpirmahin Ang Relasyon Niya Kay Jeremy Jauncey Ang CEO Ng Beautiful Destination

Nitong Lunes, Hunyo 1 ay kinumpirma ng beauty queen na si Pia Wurtzbach ang kanyang relasyon kay Jeremy Jauncey, ang Chief Executive Officer ng Beautiful Destinations.




Sa kanyang social media account, ay kinumpima ni Pia ang kanyang relasyon kay Jeremy Jauncey sa unang pagkakataon sa publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng kanilang magazine cover para sa Tattler Philippines.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

“So excited to share this with you, thank you so much @antonsd @tatlerphilippines for putting us on cover. And of course @nigelbarker for capturing our moments together. Hi, @jeremyjauncey,” saad ni Pia sa kanyang caption.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Ang cover photos na ito nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Beautiful Destination CEO Jeremy Jauncey ay kinunan ng photographer na si Nigel Barker, sa ilalim ng Tatler Philippines, na kung saan ay tinawag itong “The Perfect Pair”.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Dito rin sa magazine na ito, ay ini-reveal ng dalawa ang kanilang relasyon at kung paano nila hinarap ang mga pagsubok hanggang sa mgakaroon na nga sila ng oras sa isa’t isa at i-enjoy ang pag-jet setting lifestyle.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Nai-feature din sa magazine na ito ang walong dynamic at strong women, kung saan ay tinanong ang bawat isa sa kanila ng mga pagsubok na kamakailan lamang ay pinagdaanan nila atkung sino-sino ang mga taong naging inspirasyon nila.

Isa na nga sa mga naitampok dito ay ang aktres na si Iza Calzado, na kung saan ay batid ng lahat na isa ang aktres sa mga Covid-19 survivor. Dito ay mababasa kung paano nilabanan ni Iza ang virus, at kung sino-sino ang mga taong naging lakas niya para ma-survive ito.

Sa kabilang banda naman, ay marami sa mga tagahanga ni Miss Philippines 2015 Pia Wurtzbach ang natuwa ng malaman na masaya na muli ngayon ang buhay pag-ibig ng kanilang hinahangaang beauty queen.

At tunay nga naman na masasabi nating “Perfect Pair”, ang dalawa hindi lang dahil sa sila ay maganda at gwapo, kundi dahil na rin sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang relasyon ay nalampasan nila ito, at ngayon nga ay masaya na nila itong ibinalita sa publiko.




Samantala, hindi rin naman napigilan ng Tatler Philippines ang kanilang excitement dahil sa paglabas ng magkasintahan sa kanilang magazine cover.

“We are excited to unveil this month’s cover that the features the handsome couple and the hottest pair in the universe, @beautifuldestination CEO @jeremyjauncey and @missuniverse 2015 @piawurtzbach they are indeed couple.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *