Pia Wurtzbach Ipinakita Ang Kanyang Bagong Naipundar Na Bahay

December 2017 ng hirangin bilang isang “Ms. Universe” si Pia, ayon sa kanya noong mga panahong una siyang sumali sa pageant ng Miss Universe ay nakikitira lamang siya sa kanyang mga kaibigan na halos sampung buwan niya din ginawa dahil wala siyang sariling bahay.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram




Hindi naging madali ang buhay ni Pia dito sa Pilipinas, ilang beses siyang sumubok at hindi pinalad sa pageant ng Miss Universe.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Pero dahil sa determinasyon nya ay hindi siya sumuko at tinuloy tuloy pa rin ang pagsabak sa pageant Nang siya ay makapag ipon at magkaroon ng kakayahan na umupa, ay nakakuha siya ng isang maliit na apartment sa Cubao.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

At ayon nga sa kanya, ng manalo at hirangin siyang Miss Universe 2017, ay alam niya sa sarili niya na hindi na siya babalik sa lugar na iyon.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Dahil maraming pinto ang magbubukas sa kanya, at hindi nga siya nagkamali rito. Kaya ngayon na isa na siyang kilala sa industriya at may mga proyekto na rin, hindi maiaalis ang tuwa kay Pia na ibahagi sa mga tagahanga niya ang kanyang naipundar para sa kanyang sarili.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

At ito ay ang kanyang bagong condominium unit sa Milano Residences sa Makati City. Sa mga larawan sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Pia ang kanyang Silid-tulugan na may caption na “Moving into my new home,” makikita sa larawan na ang silid ni Pia ay may kulay na earth tones at beige hues.

Photo Credit: piawurtzbach/Instagram

Ipinakita niya rin sa ibang larawan ang kanyang mga kagamitan, na bagay naman sa kulay at disenyo ng kanyang condo unit. May make-up room din ang ating former beauty queen sa kanyang unit, at ito ay may pinagsama na itim at puting kulay. Makikita sa bawat larawan ni Pia, ang saya sa bawat ngiti niya dahil sa tagumpay niya na nakapag pundar ng isang tahanan.




Ang Hurray Interior Design Group ang kinuha ni Pia upang tulungan siya na gawing maayos, maganda at elegante ang kanyang condo unit. Hindi pa rin lubos maisip ni Pia, na magkakaroon siya ng ganitong property dahil kung babalikan niya ang mga pinagdaanan niya, noon ay nakikitira lamang siya ngayon ay may sarli na siyang condo unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *