Pia Wurtzbach Kinumpirma Ang Kanilang Hiwalayan Ng Nobyong Si Marlon Stockinger

Sa website entertainment ng PEP. Ph ay ibinalita na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang nobyo nitong si Marlon Stockinger na isang race car driver ay naghiwalay na ng tuluyan matapos ang tatlong taon sa relasyong on and off.

Image Credit Via Google




Iba’t ibang spekulasyon ang kumalat na dahilan umano ng tuluyang paghihiwalay ng dalawa. may balita rin na diumano ay si Pia ang gumagastos financially sa pamilya ni Marlon, at sa kanya umano nakadepende ang mga ito na kung saan ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tuluyan silang naghiwalay.

Image Credit Via Google

Sa kanyang ipinadala ng salaysay sa ABS-CBN news ay agad kinumpirma ng Beauty Queen na totoo nga ang balitang silang dalawa ng kanyang nobyong si Marlon Stockinger ay hiwalay na. NIlinaw din niya na walang katotohanan ang balita na ang pamilya nito ay nakadepende sa kanya at siya ang gumagastos sa mga ito.

Image Credit Via Google

Ayon din kay Pia hangad niya na maging maayos ang pamilya ng kanyang dating nobyo at ganun din ito. “It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well and out of respect for them, let me make it clear – Marlon and his family never depended on me financially.

Image Credit Via Google

This will be my only statement on the matter. Thank you for your support.” Ito nga ang maikling mensahe ni Pia sa isyu ng hiwalayan nila ng kanyang nobyo na si Marlon.

Hindi na nga pinahaba pa ng beauty queen ang kanyang sanaysay upang maging pribado ang rason kung bakit sila naghiwalay at upang matapos na rin ang isyu at usaping ito, nagpasalamat din ang aktres/beauty queen sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at mga desisyon niya sa kanyang buhay.

Image Credit Via Google




Hindi na rin binanggit pa ni Pia ang naging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay ni Marlon Stockinger. Ayon naman sa business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez, ay noong Oktubre pa umano naghiwalay ang dalawa, at ayon din sa isa pang nakuhang source ng PEP.ph ay isa sa dahilan ng paghihiwalay ng mga ito ay ang pagiging ‘jobless’ ni Marlon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *