Pinapagawang “Superyacht” Ni Manny Pacquiao Nagkakahalaga Ng 500 Milyong Piso

Isa na namang ari-arian ni Boxing Champ Sen. Manny Pacquiao ang hinahangaan ngayon ng marami, at ito ay ang kanyang ipinapagawang yate na binansagan na ngayon na “Super Yacht” dahil sa laki nito.

Image Credit via Google




Ang naturang “Super Yacht” ay mayroong higit 45 meters ang haba at naturang isang bahay dahil sa ito ay mayroong mga kumpletong kagamitan sa loob nito. Mayroon itong mastersuit na tila Ang yate na ito ay mayroong 13 stateroom para sa pribadong mga alfresco area.

Image Credit via Google

at mayroon din itong 14 na silid na ang mga pader ay gawa sa rattan at ang mga sahig nito ay gawa naman sa pambansang puno ng Pilipinas na Narra.Hindi rin naman mawawala ang Mastersuit sa yate na ito ni Manny.

Image Credit via Google

Ang nakakabilib pa sa yate na ito ni Sen Manny, ay mayroon itong mga silid na katulad ng relaxation room, music room at hot tub sa may ibabaw ng main deck. At dahil nga sa talagang malaki at napakaganda ng yate na ito kaya binansagan ito ng marami ngayon na “Super Yacht”.

Image Credit via Google

Tinawag na naman ni Sen. Manny na Motor Yacht (M/Y) Queen 888 ang yate niyang ito, at ito ay ginagawa at malapit ng matapos ng Jotar Ship Building sa Sarangani General Santos City.

Image Credit via Google

At alam niyo ba na nakakalula ang halaga ng yateng ito ng ating Pambansang Kamao?, Dahil ang super yacht niyang ito ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang kalahating bilyon o 500 milyong piso.

Image Credit via Google

Talaga nga naman na isa na si Manny Pacquiao sa pinakamayamang atleta ngayon, hindi lang dito sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo.

Magmula ng taong 2010 hanggang noong nakaraang taon, ang Networth ni Manny ay umabot na sa $435 milyong dolyar o Php22 Bilyong piso. Kaya naman nabibilang si Manny sa Top Ten List of Richest Athletes, at siya ay nasa ika-8 pwesto sa listahan at ito ay ayon sa ulat ng Forbe.

Kasama rin ni Manny sa Top Ten List ang ilan sa ating mga kilalang atleta, katulad na lamang nina Floyd Mayweather Jr., Lebron James, Tiger Woods, Roger Federer at marami pang iba.

Si Floyd Mayweather naman ang nangunguna sa Top ten, na mayroong $915 million net worth, sinundan ito ni Cristiano Ronaldo na isang football icon na meron namang $800 million, at ang pangatlo sa pinakamayamang mga atleta ay si Lionel Messi na isa ring football icon na mayroong $750 million.

Makikita nga naman natin na lahat ng ng pagsusumikap, pagod at determinasyon ni Manny sa pakikipag bakbakan niya sa boxing ring ay nagbunga na ng kaunlaran sa kanilang pamumuhay at umaapaw pa ang mga biyayang kaniyang natatanggap.

At hindi nga naman magiging katakataka kung bakit, lubos ang biyayang ipinagkakaloob ng Poong Maykapal sa ating boxing champ sapagkat kahit tila agila na siya sa layo ng kanyang nalipad sa buhay ay hindi niya nakakalimutan ang maging mapagkumbaba at manatiling ang mga paa ay nakatapak sa lupa.




Hindi rin siya naging madamot sa mga biyayang kanyang natanggap, dahil bukas palad siyang tumulong at pagbabahagi sa mga kababayan niya na nangangailangan.
Samantala, sa pagkakataong ito na usap-usapan na ang “Superyacht” na ipinagawa ni Manny, ay marami na sa kanyang mga tagahanga ang excited na makita ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *