Pinoy Surfer Hinangaan Dahil Sa Pagsagip Sa Kanyang Katunggaling Atleta

Isa namang kababayan nating atleta na kalahok sa 2019 SEA GAMES ang nagbigay ingay ngayon sa social media, at pati na rin sa telebisyon. Hindi ito dahil sa pagkakaroon ng gintong medalya, ngunit dahil ito sa pinatunayan niya na ang mga Pilipino ay likas na matulungin at mas binibigyang importansya ang buhay kesa sa anumang karangalan na pwedeng matamo.

Image Credit via Google




Isang bayani para sa karamihan ngayon ang Pinoy athlete surfer na si Rogelio Casugay, ito ay matapos niyang sagipin ang kanyang kalabang Indonesian surfer sa muntik ng pagkalunod dahil sa malakas na alon.

Image Credit via Google

Ayon sa naging pahayag ng SEA Games official sa kanilang website page, ay natanggal umano ang tali ng surfboard sa paa ng Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat kaya’t siya ay natangay ng malalakas na alon na muntik na niyang ikalunod.

Image Credit via Google

“In the midst of the men’s longboard open competition for surfing, Indonesian Arif Nurhidayat broke his leash and was swept away by the waves. The Philippine’s Roger Casugay came to the rescue, setting aside the ongoing battle for the gold. This is how #WeWinasONe#2019SEAGames #PHforOne” ang naging pahayag ng 2019 SEA Games sa pangyayaring ito.

Image Credit via Google

Hindi nga nagdalawang isip ang Pinoy surfer na agad sumaklolo sa Indonesian surfer, kahit na ng mga sandaling iyon ay pinaglalaban nila sa kompetisyon ang gintong medalya. Hindi na nga tinapos ni Roger ang kanyang tricks show sa longboard competition dahil agad niyang tinulungan si Arip na lumulutang na ng mga panahong iyon sa malaking alon.

Image Credit via Google

Agad na pinuntahan ni Roger ang Indonesian surfer upang sagipin ito, pinasakay niya ito sa kanyang board at magkasama silang bumalik sa dalampasigan.

Image Credit Via Google

Malaki ang naging pasasalamat ni Arya Subiakto, ang coach ng Indonesian surfer kay Roger Casugay. Kung saan nagbigay ang coach ng mensahe na “Thank you to all the Filipino and also to Roger Casogay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we called win as one.”

Image Credit via Google

Marami nga ang humanga sa kabayanihang ipinakita ng atletang si Casugay. Kahanga-hanga nga naman ang kanyang ipinakitang pag-uugali at pagiging matulungin sa kanyang kalaban, dahil pagpapatunay lamang ito na mas mahalaga ang buhay ng isang tao kesa sa ano pa mang karangalan o gintong medalya.

Image Credit via Google




Isa nga ang surfing sa mga mahihirap na palaro sa ginanap na 2019 SEA Games, dahil na rin sa masamang panahon na dulot ng bagyong si Kammuri. Dahil sa pangyayari ay ipinahinto muna ang kompetisyon upang maiwasan ang aksidente, at itutuloy na lamang pag maayos na ang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *