Piolo Pascual Ibinahagi Sa Mag-Asawang Vicki Belo At Hayden Kho Ang Masayang Buhay Niya Sa Batangas

Noon lamang ika-10 ng Marso, ay binisita ng mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho ang aktor na si Piolo Pascual sa tahanan nito sa probinsya ng Batangas. Sa naturang vlog nga ng mag-asawa, ay masayang pinasilip ni Piolo, ang kanyang “Balay Rock”, at ikinuwento kung bakit nag-e-enjoy siya na mamalagi sa nasabing lugar.




Matatandaan na noong matapos ang pagpapatupad ng mahigpit ang lockdown noong nakaraang taon ay sinabi ng aktor, na siya ay namamalagi sa kanyang property sa Batangas, kung saan ayon sa kanya ito ay isang dating dive resort.

Image Credit via YouTube

Samantala, nang dumating nga ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho sa lugar ni Piolo, ay naabutan nila itong abala at may inaayos sa kanyang Balay Rock.

Image Credit via YouTube

Nang magsimula naman ang kanilang chikahan, ay napag-alaman nga ng mag-asawa na ngayon ay mas maraming araw ang inilalagay ni Piolo sa Batangas. Ibinahagi rin ng aktor kung ano ang mga bagay na nagustuhan niya sa pamamalagi niya sa naturang lugar.

Image Credit via YouTube

“I live here. I practically live here. It’s a respite. Whenever I would think of going away, away from the lights, the busyness, the urban living. Here you see the beach, you see the mountains. I hike around. It’s all nature. You hear manok, goats, dogs. So, it’s all nature”, pahayag nga ng aktor.

Image Credit via YouTube

Kwento pa nito, “Walang WIFI. It’s more like a jungle nowadays because I’ve been trying to focus on nature. You know whatever arounds you, amplify it by enhancing the look of the place, the plants and the trees.

Image Credit via YouTube

Ayon nga kay Piolo, napakaraming mga bagay siyang ginagawa sa kanyang property, na nakapagpapalibang sa kanya at nakapagpapa-relaks sa kanya. Mayroon siyang poultry dito na isa sa kanyang pinag kaka-abalahan. At may ibang parte sa kanilang lupain, ang sa ngayon ay kanyang ipinapalinis na pagtataniman niya naman ng mga punong-kahoy.

Image Credit via YouTube

Video Credit: Vicki Belo/YouTube

Kapag wala nga umanong proyekto o trabaho si Piolo sa lungsod, ay talagang umuwi siya sa Batangas, dahil nga sa mas na-eenjoy niya ang tahimik at simpleng pamumuhay sa nasabing probinsya.




Pagbabahagi pa ng aktor, napakarami niyang mga pinagkakaabalahan activities kapag siya ay nasa Batangas. Araw-araw ginagawa niya ang mag-ehersisyo sa labas ng tahanan, sa pamamagitan ng iba’t iabng outdoor activities, tulad na nga lamang ng pagha-hiking.

Para nga sa aktor, ay masasabing niyang ang experience niya noong quarantine ay “silver lining”, dahil sa naging pamahalaan niya sa nakaka-relaks na tahanan niya sa Batangas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *