Pokwang Ibinahagi Ang Sekreto Kung Paano Niya Napapanatili Ang Gana Ng Kanyang Anak Sa Pagkain

Ikaw ba ay isa sa mga magulang na nahihirapan pakainin ang kanyang anak dahil ito ay walang gana kumain? Isa sa mga bagay na ito ang isa sa mga nahihirapan gawin ng isang ina ang pagpapakain ng kanilang anak lalo na kung nasa Toddler Stage ito.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram




Ang Comedian aktres na si Pokwang ay nagbahagi ng kanyang sekreto sa kanyang Instagram kung ano ang ginagawa niya sa kanyang anak na si Malia upang ito ay ganahan kumain.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram

Isang video ang ipinost ni Pokwang sa kanyang instagram, kung saan ay ang kanyang anak na si Malia ay nasa itaas ng hapagkainan nakaupo, habang kasabay na kumakain ang kanilang mga kasambahay.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram

“Good morning…sa mga nagtatanong ano daw sikreto naming bakit magana kumain si #tisayngmasa @malia_obrian ang sagot ko ay, HUMILITY!

“mas maganda siya kumain kapag marami siya kasabay lalo na mga kasambahay ko po, ang table manners madaling matutunan iyan lalo na kapag nasa wastong pag-iisip na siya , pero ang pakikipagkapwa tao dapat mas maagang maituro.” Saad ni pokwang sa kanyang post.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram

Ayon sa komedyante, ito ang sikreto niya upang ganahan ang kanyang anak sa pagkain. Kapag si Malia umano ay kumakain kasabay ang kanilang mga kasambahay ay mas napaparami ang kain nito dahil umano sa may mga kasabay ito na magana kumain.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram

Matututuhan rin umano ni Malia sa ganito ang makitungo ng maayos at pakikipagkapwa-tao habang siya ay maliit pa. Based din kay pokwang and table manners ay madaling maituturo kay Malia, kapag siya ay nasa wastong edad na, at mas mainam umano na ituro habang bata pa ang pagkakaroon ng maayos na pakikisama at pakikipagkapwa tao sa mga bata habang sila ay maliit pa lamang.

Photo Credit: malia_obrian/Instagram

Si Malia ay anak ni Pokwang sa kanyang American Partner na si Lee O’Brian, ipinanganak niya ito noong January 18, 2018. May dalagang anak din si Pokwang, ito ay si Rye Mae Subong, na anak niya sa dati niyang partner at may anak din siyang lalaki na namatay noong siya ay nagtatrabaho pa sa ibang bansa.




Hinangaan naman ng mga netizens ang strategy na ito ni Pokwang na mapagana ng kain ang kanyang si Malia, ayon sa ibang netizens ay ipinakita ni Pokwang na kahit siya ay isang celebrity ay nananatili pa rin ang pagiging simple ng kanilang pamumuhay at ito ang gusto niyang kalakihan ng kanyang anak na si Malia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *