Pokwang Naghanda At Nagluto Para Sa Pagdiriwang Ng Kaarawan Ng Kanyang Kasambahay

Marami sa atin na ang turing na sa ating mga kasambahay ay parte ng ating pamilya, dahil sa malaking kontribusyon nila sa ating tahanan lalo na pagdating sa pag-aasikaso ng ating pamilya.



Katulad na lamang ng popular na komedyanteng si Pokwang, kung saan ay parte na ng pamilya ang turing sa kanyang mga kasambahay dahil sa laki ng tulong ng mga ito sa kanya, lalo na sa pag-aalaga at pag-gabay sa kanyang mga anak.
Image Credit via Youtube
Kaya naman upang maipadama ang kanyang pasasalamat sa isa sa kanyang mga kasambahay at mapasaya ito sa mismong araw ng kaarawan nito ay sama-sama nilang ipinagdiwang ng masaya ang araw ng kapanganakan nito, kung saan ay nagluto pa si Pokwang ng masarap na pansit upang kanilang pinagsaluhan sa nasabing okasyon.
Image Credit via Youtube
Samantala, bago naman mag-umpisa ang munting selebrasyon na inihanda ni Pokwang para sa kanilang kasambahay na nagdiriwang ng kaarawan nito, ay hindi nito napigilan ang maging emosyonal dahil sa naalala umano nito ang dati nilang kasambahay na si Yaya Gina.
Ayon kay Pokwang si Yaya Gina ang itinuturing nilang “The Best Yaya”, noong kasama pa nila ito, dahil sa halos ilang taon rin itong nanilbihan sa kanila bilang yaya ng kanyang anak na si Malia.
Image Credit via Youtube
Ibinahagi rin ni Pokwang, na si Yaya Gina ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan nila ng kanyang partner na si Lee O’Brian pagdating kay Malia, dahil sa talagang nakita nila kung gaano ito ka-hands-on sap ag-aalaga sa kanilang anak.
Image Credit via Youtube
Ngunit dahil nga sa nagkaroon ng krisis sa ating bansa, ay nagdesisyon si Pokwang na pauwiin na muna ang ilan sa kanilang mga kasambahay upang makasama ang pamilya ng mga ito, at kabilang na nga rito si Yaya Gina.
Image Credit via Youtube
Matapos naman, ang pagbabalik alaala ni Pokwang sa dating kasambahay, ay masaya na ang ipinagdiwang ng pamilya ang selebrasyon ng kaarawan ni Yaya Donna, kung saan ay nagkakasala nilang pinagsaluhan ang masarap na pagkain na inihanda ni Pokwang.



Nagpasalamat naman si Yaya Donna sa mag-partner na Pokwang at Lee, para sa naging selebrasyon ng mga ito sa kanyang kaarawan, dahil ayon sa kanya ay ito ang unang beses na naranasan niya ito sa kanyang buhay.
Video Credit: Pokwang/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=5A6hw3z_WW4&feature=emb_logo
Patunay ng lamang ito, na hindi lang basta isang mapagmahal na ina si Pokwang sa kanyang mga anak, kundi maging sa kanyang mga kasambahay ay talagang maalaga ito, at hindi na iba ang trato niya sa mga ito, kundi isang parte o miyembro na ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *