Pokwang Umani Ng Paghanga Sa Mga Netizens Dahil Sa Pagtuturo Ng Larong “Tumbang Preso” Sa Kanyang Anak Na Si Malia

Sa pag-usbong ng mga laro ngayon gamit ang teknolohiya, ay tila nga unti-unti ng nawawala sa bagong henerasyon ang mga klasikong larong Pilipino na kinalakihan at kinaaliwang laruin ng marami sa atin noon.




Noon nga ay talagang masaya na ang mga bata sa paglalaro sa labas, kahit walang internet o anumang gadget, ito ay dahil nga sa maraming masasayang laro noon ang talaga namang aliw na aliw silang laruin gamit lamang ang mga simpleng kagamitan na kanilang nakikita.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Kabilang nga sa mga klasikong larong Pilipino na kinaaliwang laruin ng mga kabataan noon ay ang “Tumbang Preso”, kung saan ito ay isang uri ng laro na ginagamitan lamang ng pares ng mga tsinelas at isang lata ng sardinas.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Samantala, dahil sa mga makabagong teknolohiya ngayon, ay marami nan gang mga kabataan ngayon ang halos hindi na nagagawang maglaro sa labas ng kanilang tahanan, kaya naman halos hindi na sila pagpawisan.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Sa kabila nga nito, ay mayroon pa ring mga magulang na mas nais na maglaro sa labas ng tahanan ang kanilang anak, kabilang na nga rito ang comedian-actress na si Pokwang, na ipinakilala at tinuro sa kanyang anak na si Malia, o mas kilala sa palayaw nitong si Tisay ang klasikong larong Pinoy na “Tumbang Preso.”

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Makikita nga sa isang video na ini-upload ni Pokwang sa kanyang Instagram account nito lamang nakaraan, ang masayang paglalaro nila ng anak niyang si Malia ng tumbang preso sa may labas lamang ng kanilang tahanan.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Sa video ngang ito, ay maririnig na tinuturuan ng comedian-actress ang kanyang anak, kung paano ang paglalaro ng tumbang preso. At makikita rin, na sa unang beses na sinubukan ni Malia, na patumbahin ang lata, ay hindi niya ito napatumba, at ganun rin sa pangalawa. Kaya naman sa pangatlong beses, ay hindi na ito nakapagtiis, at lumapit na lamang sa lata upang madali niya itong mapatumba.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Tila nga naging “golf”, ang naging larong tumbang preso ng mag-ina, dahil sa ginawang paglapit ni Malia sa lata, upang mapatumba ito. “hoy tisay @malia_obrian tumbang preso ang laro hindi golf!!! Hahahaha kaloka ka!”, ang inilagay namang caption ni Pokwang sa video na ito.

Photo Credit: itspokwang27/Instagram

Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens ang video na ito ng mag-ina, at hinangaan si Pokwang dahil sa kabila ng pagiging isa nitong artista, ay talaga namang pinapalaki niya sa isangs impleng mundo ang kanyang anak na si Malia.

Narito naman ang mga naging komento ng mga netizens;
“Nice Mamang maipalaro sa kanya mga laro natin noon mga bata ngayon more on gadgets.”

“Ang cuute mo Malia yan ang dapat ito pa din ang mga larong Pinoy.”
“Tumbang preso in the city…. Bibihira ang nanay na magtuturo ng ganito sa anak… sa panahon ngayon puro ipad, phone na hawak ng mga bata ngayon. Kakahanga ka talaga nanay. Palibre ng lechon, ngek.”

Tunay ngang sa panahon ngayon na patuloy ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya sa ating mundo ay unti-unti ng nalilimot ng mga tao ang paglalaro ng mga klasikong larong Pinoy.




Kaya naman talagang nakamamangha ang isang magulang na tulad ni Pokwang, na sa paglaki ng kanyang anak, ay ipinakikilala pa rin ang mga larong Pinoy na mas mainam nga para sa kalusugan ng kanyang anak kaysa sa mga larong nasa gadgets lamang.

Si Malia Francine ay anak ni Pokwang sa kanyang partner ngayon na si Lee O’brian. At nito lamang nga ng ika-18 ng Enero, ay nagdiwang ng kanyang ika-3 taong gulang na kaarawan si Malia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *