Polo Ravales Masayang Ibinahagi Na Magkakaroon Sila Ng Anak Ng Kanyang Fiancee

Soon-to-be-daddy na ang aktor na si Polo Ravales, for the first time. At ang napakaganda ngang balita na ito sa buhay nila ng kanyang fiancée na isang fitness coach na si Paulyn Quiza ay inanunsyo noong Lunes, ika-5 ng Abril.




Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sonogram ng kanilang baby sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi ni Polo sa publiko na siya at ang kanyang fiancée ay magkakaroon na ng baby. Kalakip ng larawan, ay ang isang caption niya kung saan ay sinabi niyang miracle at blessing ang pagdating nito sa buhay nila.

Photo Credit: poloravales/Instagram

“Thank you, Lord for the miracle and blessing”, caption ni Polo.
Makikita naman sa Instagram stories ni Paulyn ang pagbida niya sa kanyang baby bump, kalakip naman ang caption na;

Photo Credit: poloravales/Instagram

“They’re asking if I have a baby bump. Here’s me and Baby P [at] 15 weeks”, ani Paulyn.
Matatandaan naman sa naging panayam noon kay Polo ng Kapamilya host na si Boy Abunda, ay ikinuwento ng aktor kung paano sila nagkakakilala ng kanyang fiancée.

Photo Credit: poloravales/Instagram

Ayon kay Polo, nakilala niya si Paulyn nsa panahon na pakiramdam niya ay may kulang sa kanyang buhay, lalo pa’t single siya. At tila nga sawang sawa na siya sa pagiging single, at ang nais nga niya sa kanyang buhay ay ang magkaroon na ito ‘right path’.

Photo Credit: poloravales/Instagram

“Umalis ako, kasama ko yung friend ko na gay. Lumabas kami gumimik kami tapos nagkukwentuhan kami. Sabi ko parang sawa na yata ako mag-date, sawa na ako to be single. Gusto ko meron na talaga akong diretsong path tapos December 26 dun ko siya nakilala.”

Photo Credit: poloravales/Instagram

Dagdag pa ng aktor, noong una niyang makita ang fiancée na niya ngayon, ay iba talaga ang kanyang naramdaman, tila ba matagal na niya itong kilala. Itinuturing nga niya na unexpected ang naging pagdating ni Paulyn sa kanyang buhay.




Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa mag-fiancee, sa napakaganda ngang balita at biyaya na ito na dumating sa kanilang buhay. “Kuya kuya! I’m so excited to see my pamangkin! [red heart emoji] love youuuu kuya! Baby in the fam!!!!!” “Congrats p&p! Can’t wait to meet your bundle of

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *