Popstar Royalty Na Si Sarah Geronimo Isa ng Chef Matapos Ang Tagumpay Sa Baking School

Kahit isa ng kilalang mahusay na mang-aawit at may nakaakibat ng titulo sa kanyang pangalan bilang Popstar Royalty ng Philippine Showbiz Industry, ay my panibago na naman ngang achievement sa kanyang buhay na nakamit si Popstar Royalty Sarah Geronimo, at ito nga ay ang pagiging isa na niyang ganap na chef matapos niyang tagumpay na makapagtapos sa isang baking school.




Proud na proud nga ang mister ni Sarah G. sa achievement na ito ng kanyang misis, kung saan sa social media account nga ni Mateo Guidicelli ay kanyang ibinahagi ang ilang mga larawan na kuha sa isang baking school kung saan nga nagtapos ang kanyang misis.
“Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!!

Photo Credit: matteog/Instagram

CONGRATULATIONS! Yesssss ‘chef sarah’ it is,” ang naging caption nga ni Mateo sa kanyang Instagram post.Pinuri din ng aktor ang misis niyang si Sarah G. sa ipinamalas nitong galingn at husay sa isa na namang karera nito. Hindi rin nakaligtaan ni Mateo ang sabihin ang kaytagang ‘I love you’ bilang pagpaparating sa misis kung gaano niya ito kamahal.

Photo Credit: matteog/Instagram

“We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you,” dagdag na pahayag pa nga ni Mateo.
Matatandaan na noong nakaraang taon sa kabila ng pagsiklab ng krisis sa ating bansa ay sinimulan nga ni Sarah G ang kanyang pagnenegosyo kung saan kanya ngang nagagamit ang husay niya sa pagbi-bake.

Photo Credit: matteog/Instagram

Kahit nga krisis ay masayang ibinahagi ng singer na may mga tumangkilik sa kanyang negosyo. Nakasuporta din sa singer ang kanyang mister na si Mateo sa pagsisimula niya ng negosyo niyang ito.

Photo Credit: matteog/Instagram

Makikita nga sa nakaraang Instagram stories ni Mateo ay ibinahagi niya ang halagang Php200 mula sa isang envelop na ayon nga sa kanya ito ang unang kita nilang mag-asawa sa kanilang negosyo.

“Our first sale from our cupcakes!”, ang saad nga ni Mateo, habang maririnig naman sa background ang boses ni Sarah G. na bakas ang kasiyahan at kaligayahan.




Sa nakaraan pa ngang mga Instagram stories ni Mateo ay makikita naman ang naging pagbibida niya ng mga ibinake ng kanyang misis na si Sarah G., tulad na lamang ng gawa nitong strawberry cupcakes at caramel cornflakes cupcakes. Sa hitsura pa lamang nga ng mga ito ay talagang nakakatakam na.

Si Sarah Geronimo ay kilalang mang-aawit at aktres sa Philippine Showbiz Industry, samantala ang mister niyang si Mateo Guidicelli ay isa ring kilalang aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.