Proud Ang Aktor Na Si Baron Geisler Sa Matagumpay Na Pagtatapos Ng Theology

Lahat nga naman tayo ay maaring mabigyan ng pangalawang pagkakataon na ayusin at pagbutihin ang ating buhay sa kabila ng mga naranasan nating kasadlakan sa pagkakamali sa mga nakalipas na panahon. Minsan man tayong nagpakalunod sa dagat ng problema, ay makakaya pa rin nga natin na umahon at muling pagbutihin ang ating sarili.




Ang buhay ng aktor na si Baron Geisler ay hindi naging sikreto sa publiko lalo na nga ang mga problemang kanyang pinagdaanan noong mga panahon na siya’y malihis ng landas dahil sa pagkalulong niya sa droga, bisyo at alak. Dahil nga sa mga ito, ay nagbago ang noon ay masigla at positibong personalidad ng aktor.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Nagsimula namang maibalik ni Baron ang kanyang masigla at positibong pamumuhay matapos niyang magparehab at sumailalim sa therapy.
Taong 2019 nga ay muling nakabalik ang aktor sa mundo ng showbiz, at kasabay nito ay nagdesisyon din siya na mag-aral ng kolehiyo dahil ayon nga sa kanya ito ang isa sa mga ipinangako niya sa kanyang sarili na kanya ngang gagawin kapag siya ay lumabas na sa rehab.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Ayon kay Baron, sa kalagitnaan ng kanyang therapy ay naging malapit siya sa Panginoon kaya naman kumuha siya ng kursong Theology sa All Nations College. Matapos nga ang ilang taon niyang pagpupursige sa kanyang pag-aaral ng Theology, nito lamang nga nakaraan ay masaya at proud na ibinahagi ni Baron sa lahat ang magandang balita, kung saan ito nga ay ang naging matagumpay na niyang pagtatapos ng Theology.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Proud ngang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan na kuha sa naganap nilang graduation ceremony. At mapapansin nga sa mga larawan na ito na kanyang ibinahagi ang malaki niyang pagkakangiti tanda nga ng labis niyang kasiyahan dahil sa likod nga ng tagumpay niyang ito ay ang kuwento ng minsan na siyang nawalan ng purpose at pag-asa sa kung paano pa siya makakabangon sa noon ay pagkalugmok niya.
“My journey has reached it goal, and opened a way before me. Thank you Lord! [emoji]”, ani Baron sa kanyang caption.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram

Bumuhos naman ang maraming pagbati para sa aktor, kung saan karamihan nga din sa mga nagpahayag ng ‘congratulations’ para sa kanya ay ang ilan sa mga kapwa niya celebrity sa mundo ng showbiz, kagaya na lamang nina Janno Gibs, Princess Punzalan, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Photo Credit: baron.geisler/Instagram




“Congrats Baron!!!!”, ang pagbati ni Donnalyn Bartolome.“Congratulations, Baron”, pahayag naman ni Princess Punzalan. “Congratulations @baron.geisler [red heart emoji]”, sabi naman ni Jennifer Lee.

Tunay namang masaya sa pakiramdam para sa isang tao ang makapagtapos ng pag-aaral, at panigurado ngang labis ang kasiyahan ni Baron sa pagtatapos niya na ito, dahil nagsisilbi din itong panibagong pag-asa para sa kanya sa mas maganda at positibo na mangyayari pa sa kanyang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.