Proud Mom Ang Kapamilya Actress Na Si Dimples Romana Sa Pagtatapos Sa High School Ng Panganay Na Anak

Para sa isang magulang ay walang kapantay na kasiyahan ang makita ang iyong anak na uni-unti ng natatapos ang kanyang pag-aaral.




At sa kabila nga ng mahirap na sitwasyon na kinakaharap ng mga mag-aaral ngayon sa kanilang pag-aaral dahil sa krisis ay marami namang mag-aaral ang nagsumikap sa pag-aaral para matagumpay na matapos ang school year na ito at tutuloy na nga sa panibagong lebel ng kanilang edukasyon.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Samantala, isa naman sa mga magulang na talaga namang proud na proud ngayon sa kanyang anak ay ang Kapamilya actress na si Dimples Romana. Ito ay dahil matagumpay na nakapagtapos ng high school ang panganay niyang anak na si Callie.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Makikita sa Instagram at Facebook account ni Dimples ang kanyang naging pagbabahagi kung gaano siya ka-proud para sa panganay na anak. “Ngayong araw na ito ay espesyal para sa pamilya namin.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Today we celebrate our graduate @callieahmee (incoming college na siya) Sa lahat ng mga magulang na kagaya namin ni @boyetahmee @papaboyetonline this day is a day we’ve always prayed for, worked hard for and hoped for”, ani Dimples.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ibinahagi rin ng aktres kung gaano siya humahanga sa kanyang anak at sa lahat ng mga estudyante na patuloy na nag-aaral sa kabila ng maraming pagsubok dahil sa sitwasyon ngayom dulot nga ng krsisis. Pinasalamatan din niya ang panganay na anak, dahil sa kabila ng hindi madali ang pag-aaral nito ngayon ay nagtapos pa rin ito ng may karangalan.

“Ang hirap ng panahon ngayon, the struggles and hardships that out students have to go through are not easy. And often as parent, we come across situations where there is just nothing else we can do but let our children figure things out for themselves. Eto na yung natututo tayo to LET GO and LET GOD.”




Sa mga larawan ngang ibinagi ni Dimples, ay makikita na punong-puno ng kasiyahan ang kanilang pamilya sa pagtatapos ni Callie sa kabila nga ng napakaraming mga pagsubok.
Marami naman ang nakapansin na ilan sa mga larawan na ibinahagi ng aktres ay kasama nila sa kanilang family picture ang kanilang kasambahay na itinuturing na nga nilang parte ng kanilang pamilya.

Hindi naman nawala sa mga larawan ang wacky photo ng pamilya, na talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens at tagahanga ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *