Proud sa Pagiging Isang Truck Driver Ngayon sa Canada Si Dating PBA Player Tristan Perez

May mga pagkakataon nga sa buhay ng isang tao na nagbabago ang kanyang mga pangarap o desisyon sa buhay, lalo na nga kapag sila ay nagkakaroon na ng pamilya. Halimbawa na lamang nito ay ang dating PBA Player na si Tristan Perez, kung saan ay nagdesisyon nga siyang iwan ang kanyang karera bilang isang basketbolista upang manirahan sa Canada kasama ang kanyang pamilya. Hindi naman kinakitaan ng ano mang pagsisi si Tristan sa naging desisyon niyang talikuran ang pagiging isa niyang basketbolista.




Matatandaan na dating miyembro noon ng National University (N.U) Bulldogs ang 25-taong gulang na dating basketball player na si Tristan, kung saan noong ngang taong 2014 ay naging kampeon pa ang kanilang kupunan sa ginanap na UAAP men’s basketball.

Image Credit via INstagram

Nagsimula naman ang amateur career ni Tristan ng siya ay maglaro sa BDO-NU at Jumbo Plastic para sa PBA (Philippine Basketball Association) D-League. Tuluyan naman siyang naging isang professional basketball player noong taong 2016 at siya nga ay napabilang sa kupunan ng Black Water Elite sa PBA.

Image Credit via INstagram

Sa kabila naman ng pagkakaroon ni Tristan ng matagumpay na karera sa larangan ng basketball ay napagpasiyahan niyang talikuran ito noong taong 2017 upang sumunod sa kanyang pamilya sa bansang Canada. Si Tristan ay kasal sa kanyang asawang si Jhameel Pineda, at sila nga ay may dalawang anak at kasalukuyan na nga sila ngayon na naninirahan sa Fort McMurray, Alberta.

Image Credit via INstagram

At upang patuloy na masuportahan ni Tristan ang kanyang pamilya, ay nagpasya siyang maghanap ng trabaho sa Canada. Siya nga ay natanggap bilang isang driver ng 26-wheeler truck sa Alberta, Canada kung saan ang kumpanya ngang kanyang pinagtatrabahuan ay nagta-transport ng mga petroleum sa iba’t ibang mga kumpanya.

Image Credit via INstagram

Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ng news anchor na si Rhea Santos si Tristan para sa Omni Filipino, at dito ay ibinahagi nga ng dating basketbolista na hindi siya nagsisi sa kanyang naging pasya na manirahan sa bansang Canada. Ayon nga kay Tristan, ay masaya siya sa paninirahan sa nasabing bansa, dahil maliban sa kasama niya roon ang kanyang pamilya ay napakarami ring mga benefits ang paninirahan sa Canada para sa future ng kanilang mga anak.

Image Credit via INstagram

“Ganun talaga pag may pangarap ka. Minsan talaga merong isa sa inyong mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo.” “Mas pinili naming mag-Canada kasi andami ngang benefits na mabibigay sa future ng [mga] anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.”

Ayon pa nga sa isang panayam kay Tristan noon, talagang pinag-isipan niyang mabuti ang paglipad niya patungong Canada. At bago nga siya mapasok bilang isang truck driver sa nasabing bansa, ay nagtrabaho muna rin siya bilang laborer at mechanic. Dagdag na pagbabahagi pa niya, bago siya natanggap bilang isang truck driver ay dumaan siya sa training ng kumpanya na kasalukuyan nga niyang pinagtatrabahuan ngayon.




Sa ngayon nga ay tatlong taon ng nagtatrabaho bilang truck driver si Tristan sa Canada, habang ang misis naman niyang si Jhameel ay nagtatrabaho naman sa naturang bansa bilang school bus driver. Naibahagi rin ni Tristan na dahil sa sipag at tiyaga nilang mag-asawa ay unti-unti na nga nilang natutupad ang mga pangarap nila para sa kanilang pamilya, sa katunayan pa nga umano ay plano na nila na bumili ng kanilang sariling bahay sa Alberta, Canada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *