Rayver Cruz Hindi Makapaniwala Sa Kinalabasan Ng Renovation Ng Kanyang Bagong Bahay

Tunay ngang nakakamangha kapag ang isang bagay na ating napundar ay mas napaganda pao na bigyan pa ng buhay o kulay, kagaya na lamang ng naging pagkamangha ng aktor na si Rayver Cruz sa kinalabasan ng ginawang ‘’renovation” ng Moss Manila sa kanyang bagong bahay, sa loob lamang ng tatlong araw.




Matatandaan na noong buwan ng Disyembre noong nakaraang taon, ay masayang ibinahagi ng aktor na si Rayver Cruz ang isa sa mga major milestone niya sa kanyang buhay, at ito nga ay ang pagkakabili niya sa kanyang pinaka-unang bahay, na matatawag na niya ang sarili niyang bahay.

Image Credit via YouTube

Dahil nga sa bago pa lamang, ay kailangan pa talaga na mas mapaganda pa ang bahay ng aktor, kaya naman humingi ng tulong si Rayver sa Moss Design House Interior designer na si Cyndi Fernandez at sa asawa nitong si Mado Beltran, upang makumpleto na nga at mas mabigyan ng kulay at buhay ang kanyang bagong bahay.

Image Credit via YouTube

“He wants it to feel like a bachelor’s pad”, ang naging saad ng interior designer na si Cyndi.
Ayon nga kay Cyndi ang ‘goal’ nila sa ginawa nilang renovation sa bagong bahay ng aktor ay ang gawin itong ‘little more intimate’.

Image Credit via YouTube

Makalipas nga ang tatlong araw na pagre-renovate sa bagong bahay ng aktor, ay pinakita na ang kinalabasan nito sa Mr. and Mrs. B of Moss Design House Channel, kung saan nga ay makikita na talaga namang napakaganda ng kinalabasan ng ginawang renovation sa bahay ng aktor.

Image Credit via YouTube

Ibinahagi nga ni Cyndi at ng kanyang asawang si Armado, o mas kilala nga sila sa kanilang channel bilang si Mr. and Mrs. B, ang kwento kung paano niya sinimulan ang pagdidisenyo sa bahay ng aktor na si Rayver Cruz.

Image Credit via YouTube

Ang kasintahan umano ni Rayver, na aktres na si Janine Gutierrez ang nag-recommend ng Moss sa aktor, para magpaganda at magbigay disenyo sa bagong bahay nito.

Image Credit via YouTube

Nang mabili nga ng aktor ang kanyang bagong bahay, ay agad siyang nakipag-communicate kay Cyndi at sa asawa nito, ay sinabi nga niya sa mga ito kung ano ang nais niyang maging histsura ng kanyang bagong bahay, pag ito’y natapos ng i-renovate.

Image Credit via YouTube

Para nga sa mag-asawang designer, ang disenyo na ginawa nila sa bagong bahay ng aktor ay tinatawag nilang “The Bachelor’s Game.” Makikita nga sa mga ginagamit na palamuti at dekorasyon sa bahay ng aktor, ay mga bagay na nakapagbibigay ng elegant hotel vibe na mayroong masculine look. May mga palamuti rin na personal na gamit ng aktor.




Ang kinalabasan nga ng renovation ng The Moss Design sa bahay ng aktor, ay isang mid-century industrial theme, kung saan ay mapapansin nga na agaw pansin ang mga dark color palette.

Video Credit: Rayver Cruz/YouTUbe

Mapapansin naman na sa living area ng aktor, ay walang television, ito ay dahil ayaw muna ni Rayver na mayroong TV sa bahagi na iyon ng bahay, dahil sa siya nga ay mayroon na ring entertainment room. Ano ang masasabi niyo sa naging kamangha-manghang renovation ng bagong bahay ni Rayver?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *