Regine Velasquez Ipinakita Ang Loob Ng Kanilang Napakagandang Tahanan

Sa patapos na taong 2019, ay muling nagbigay ng entry ang songbird Regine Velasquez sa kanyang “vlang’. Isang video house tour na kung saan ay kasama niya ang kanyang anak na si Nathaniel James Alcasid sa naturang video habang naglilibot sa kanilang tahanan.

Image Credit Via Google




Sa video ay tuwang tuwa ang kanyang anak habang nagsasalita kasunod ng songbird na si Regine, makikita rin sa video na ang kanilang three-story house ay napapalibutan na ng mga dekorasyon ng kapaskuhan.

Image Credit Via Google

Nagbahagi din ang songbird ng ilang tradisyon ng kanilang pamilya ng kanilang mga ginawa at plano tuwing kapaskuhan. Ramdam na nga ang kapaskuhan sa tahanan nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid, ang kanilang tahanan ay napapalibutan ng mga dekorasyon na kung saan ay may floral and pastel theme na nagbigay ng kakaibang ganda dito.

Image Credit Via Google

Sa kanilang hagdan naman ay makikita ang mga ibong maliliit na may kulay na white at gold, at sa kanilang dining table naman ay makikita ang rose at pine cones na may candelabras.

Hindi rin naman magpahuli sa ganda ang kanilang Christmas tree na napapalamutian ng pastel colored flowers, white at transparent Christmas balls at may mga gold pinecones din ito.

Image Credit Via Google

Ayon naman kay Regine, ang nag-ayos ng dekorasyon sa kanilang tahanan ngayong Christmas season ay ang florist at event stylist na si Michael “Badang” Rueda na kung saan ay ito rin ang isa sa mga nag-ayos sa kasal nila ng kanyang asawang si Ogie.

Maliban nga sa pagpapakita ng mga dekorasyon ng kanilang tahanan sa nalalapit na kapaskuhan, ay ipinasilip din ni Regine ang kanilang Master’s bedroom at ang silid ng kanilang anak na si Nathan.

Ipinakita rin ng songbird na meron silang elevator sa loob ng kanilang tahanan, ito ay pinasadya nilang ipagawa para sa mga magulang ni Ogie Alcasid upang sila ay hindi na mahirapan sap ag-akyat sa hagdan para makarating sa mga palapag ng bahay.

Ayon naman sa songbird ang kapaskuhan ay ipinagdiriwang nila sa Australia, upang makasama ni Ogie ang kanyang anak na si Sarah Alcasid . Kasama nilang nagdiriwang roon ng kapaskuhan sina Michelle van Eimeren at ang asawa nito na si Mark Murrow.

Minsan din naman daw ay ang mga Alcasid Clan ang kasama ng kanilang pamilya sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Bago matapos ang kanyang “vlang”, ay nagpasalamat ang songbird at ang kanyang anak na si Nathaniel sa taong 2019, na kung saan ayon sa dalawa ay maraming blessings ang kanilang pamilya na dapat nilang ipagpasalamat.

Video Credit: Regine Velasquez/YouTube

Ayon naman kay Nathaniel ay napakagrateful niya sa taong 2019 dahil sa mga naging achievements niya sa kanyang paaralan, at sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-8 kaarawan noong November 8 na kung saan ay marami siyang natanggap na regalo. Excited na rin umano siya sa darating na taon kung saan ay magrerecital na siya sa kanyang piano lesson.




Ang songbird na si Regine naman ay nagpapasalamat dahil napakagrateful niya sa kanyang muling pagbabalik sa kanyang home network ABS-CBN na kung saan ay bumuhos ang mga opportunities at blessings sa kanya. Nagpapasalamat din siya sa kanyang mga ka”vlangs” na patuloy na sumusuporta sa kanyang youtube channel .

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *