Regine Velasquez Ipinasilip Ang Magagarang Koleksiyon Ng Kanyang Mga Bags At Sapatos

Sa unang pagkakataon ay ipinsailip ni Songbird Regine Velasquez ang kanilang Walk-In closet. Sa kanyang Youtube Channel Regine Velasquez, ay nagbahagi ang Songbird ng isang video vlog na kung saan ay ipinakita niya ito sa kanyang mga subscribers.
Dito makikita ang napakaraming mamahaling sapatos, magaganda at elegante bags at damit ng singer.

Image Credit via Google




Ayon kay Regine ay ito ang unang pagkakataon na ipinasilip niya ang naturang lugar, dahil umano noon pag nag house tour sila ay puro ang kanilang ground floor lang ang ipinapakita niya sa kanyang mga fans.

Image Credit via Google

“Hindi namin pinapakita talaga yung walk-in closet namin, because hindi sa away namin ishare is it’s you know very personal, so kaya kapag nag house tour we never show the upstairs, it’s always just the first floor”, saad ng aktres.

Image Credit via Google

“But today since special kayo, gusto kong ipakita for the very very first time ang aming walk-in closet”, saad mulli ng aktres. Habang ipinapakita ang walk-in closet, ay hindi naman itinanggi ng aktres na may pagka messy ang bahaging iyon ng kanilang bahay. Dahil makikita rito ang iba’t-ibang uri ng kasuotan nila ng kanyang asawang si Ogie.

Image Credit via Google

Ayon pa din sa aktres, nais niya ding maayos ang kanyang mga gamit, lalong lalo na ang kanyang mga damit ngunit sa dami nito ay hindi na niya alam kung saan pa ilalagay ang mga ito. Malaki at malawak ang walk-in closet nina Regine, pero dahil sa dami nga ng kanyang mga bags, sapatos lalong lalo na ang kanyang mga damit ay hindi pa rin magkasya ang lahat ng ito dito kaya hindi niya ito maisyos ng mabuti.

Image Credit via Google

Sinabi rin ni Regine ang iba sa kanyang mga damit ay hindi niya pa nagagamit, ang iba dito ay dahil nakapayatan na niya at ang iba naman ay nakatabaan na niya.
Sa video din ay ibinahagi ni Regine ang kanyang naging karanasang discrimination ng minsang bibili sana siya ng mamahaling sapatos ng Louis Vuitton sa New York.

Image Credit via Google

“I went to New York to find [these] particular shoes…so then when I got there, nakita ko na, nandun sa display. Sa umpisa pa lang ….sinabi talaga… Sabi ko ‘Can I at least try them on? Sabi niya, ng guy, ‘Uh, NO.’ sabi talaga ga”nun. Nadiscriminate agad ang lola niyo, so depressed ako ng very very light, ang pagbabahagi ng aktres.

Image Credit via Google

At dahil disappointed ay umalis ang aktres sa store ng LV at lumipat sa kabilang tindahan at doon bumili siya ng 20-pairs ng sapatos.

Image Credit via Google

Matapos niya umanong bilhin ang 20-pairs ng sapatos ay bumalik siya sa LV Store, kung saan ng marami na siyang bitbit ay pinapasok siya at ipinasukat sa kanya ang sapatos na gusto niya kaya nabili din niya ito.




Hindi nga naman biro ang discrimination nangyari sa actress kaya pala niya nagawa ng bumili ng 20-pairs of shoes na kung saan ngayon ay makikita na sa kanyang walk-in Closet.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *